PEP EXCLUSIVE. Vina Morales reacts to criminal case against Cedric Lee over unfinished sports complex

Nag-react si Vina Morales sa balitang sinampahan ng kaso sa Ombudsman si Cedric Lee at dalawa pang katao kaugnay sa isang maanomalyang proyekto sa Laguna. Ayon sa singer-actress, "Hindi talaga natutulog ang Diyos."


Ayaw nang magsalita ni Vina Morales tungkol sa five counts of libel na isinampa laban sa kanya ni Cedric Lee sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes, June 20.

Read: PEP SCOOP. Cedric Lee files five counts of libel against Vina Morales in Cabanatuan City

Ngunit ngayong Miyerkules ng gabi, June 22, nagpadala ng eksklusibong mensahe PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 40-year-old singer/actress tungkol sa dating karelasyon.

Ayon kay Vina, hindi siya pinababayaan ng Diyos sa legal battle niya kay Cedric para sa kustodiya ng kanilang anak na si Ceana.

Ito ay dahil sinampahan ng kasong kriminal sa Ombudsman si Cedric nitong Lunes, June 20, kaugnay sa diumano’y anomalya sa hindi natapos na P589.9 million sports complex project sa Sta. Rosa. Laguna.

Bukod kay Cedric, sinampahan din ng kasong kriminal ang dating mayor ng Sta. Rosa at ngayo'y congresswoman na si Arlene Arcillas at ang city engineer na si Lauro T. Reyes

Ang construction company ni Cedric ang nanalo sa bidding upang gawin ang Sta. Rosa Sports Complex.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito natatapos, base na rin sa reklamo ng isang taxpayer ng Sta. Rosa, Laguna, sa Ombudsman.

Sabi ni Vina tungkol dito, “Hindi talaga natutulog ang Diyos.

“Ang taong nang-aapi at nagpaplano ng masama sa kapwa, may ibang tao/sitwasyon ang gagawa nun para sa 'yo.

“Ang bilis, digital ang karma.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN