Liza Diño not expecting favor from Duterte administration after campaigning for free

Liza Diño speaks for herself and partner Aiza Seguerra in denying they expect favor from the government of Rodrigo Duterte in exchange for their support in the last election. She says, "It was because we believe in him, that's it. In terms of position... it would be unfair for people to say na kailangan may sukli."

 


Nakatakda na ang pag-alis ng bansa nina Aiza Seguerra at Liza Dio ngayong Oktubre para tuparin ang plano nilang magkaanak sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF).

Dalawang buwan mamamalagi sa Amerika ang dalawa para sa nasabing procedure.

Kaya gusto man nilang makatulong sa paparating na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte, hindi nila magagawa agad-agad.

Sabi ni Liza, “We have personal plans for this year, e.

“Hindi kami makakatulong sa gobyerno kung halimbawa mawawala kami ng ilang buwan.”

Kahapon, June 21, nagbigay na ng pahayag sina Aiza at Liza tungkol sa inatas sa kanila ni Duterte na tulong para lalo pang linangin ang sining at kultura sa bansa.

Read: Aiza Seguerra denies being appointed by Duterte as NCCA commissioner

Ang tanging magagawa lang daw nila ngayon ay ilapit kay Duterte ang mga bagay na sa tingin nila ay makakatulong sa pag-unlad ng sining at kultura.

Ani Liza, “We want to help to lobby things. Gusto naming maging bridge para makatulong.

“Yung mga position na ito, halimbawa, we can be part of the…

“Yung mga agenda na ito na ibinibigay sa amin, we can be part of the committee, siguro to help to just make it happen.”

Nilinaw rin nilang wala silang personal na interes sa kanilang ginagawa.

NO QUID PRO QUO. Mariing itinanggi ni Liza na umaasa sila ng kapalit sa kanilang pangangampanya nang libre kay Rodrigo Duterte.

Hindi raw ito pumasok sa kanilang isipan ni Aiza.

Naniniwala lang daw talaga sila sa mga plataporma ng gobyerno ni Duterte.

Pahayag niya, “On the contrary… it was because we believe in him, that’s it.

“In terms of position... it would be unfair for people to say na kailangan may sukli.

“Halimbawa man na may mga tao na ganun, hindi natin sila dapat sabihan ng mga masasama.”

Pinuri rin ni Liza ang mga taong gustong tumulong kay Duterte kahit hindi masyadong malaki ang suweldo ng mga namamahala sa gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya pa, “This new government is here for service.

“Sabi niya mismo, hindi matataas yung suweldo ng mga ito, walang luxury.

“So ngayon, yung mga nag-a-apply because they want to be in service, I really think it’s admirable.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa presscon ng bago nitong pelikulang Ringgo, The Dog Shooter ngayong Miyerkules, June 22.

Ipalalabas sa mga sinehan ang naturang pelikula, na pinagbibidahan din nina Janice de Belen at Sandino Martin, sa June 29.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN