Robi Domingo feels awkward working with crush Kim Chiu

Robi Domingo on working with new The Voice Kids Season 3 co-host Kim Chiu: "It feels awkward."


Aminado si Robi Domingo na nakakaramdam siya ng pagkailang sa kanyang bagong co-host sa The Voice Kids Philippines na si Kim Chiu.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It feels awkward, especially with the pictorial.

“If you see some pictures sa shoot namin dati, I can't even go near her.

“Maliban sa ASAP, ito yung [time] na parang laging magkasama, but not recently, because she has been doing The Story Of Us.

“Ngayon lang kami babalik for the the battle rounds.

“Siguro ganun talaga kapag hindi mo talaga malapitan.

“Ewan ko, may certain respect kasi, 'coz I was a fanboy before.”

Matatandaang hayagang inamin ni Robi noong bago pa lamang siya sa industriya at katatapos pa lamang ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, kung saan siya itinanghal bilang first runner-up, na si Kim talaga ang long-time celebrity crush niya.

Umabot pa sa puntong ninais niyang lapitan si Kim at aminin dito ang totoong nararamdaman nang makipaghiwalay ito kay Gerald Anderson, na co-housemate ng aktres sa PBB noong 2006.

Unang nagkasama sina Robi at Kim sa remake ng South Korean drama series na My Girl, na pinagbidahan nina Kim at Gerald.

Nagseselos ba ang girlfriend for three years ni Robi na si Gretchen Ho dahil sa paghanga niya kay Kim?

Tugon ng Kapamilya TV host, “She's confident.

“And no matter what happens, I'll keep coming back.”

SHARON CUNETA. Nang tanungin si Robi kung ano ang ilan sa memorable moments niya sa The Voice Kids, natatawang sagot niya, “Definitely yung pag-ikot ng upuan ni Coach Sharon [Cuneta]!"

Dagdag niya, “For me, it was a shining moment for Coach Sharon.

“I know she have thought carefully about what to do with it [The Voice].”

Read: Kim Chiu is new host of The Voice Kids PH Season 3, replacing Yeng Constantino


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN