PEP SCOOP. Cedric Lee files another five counts of grave libel against Vina Morales

Nag-file muli ng five counts of grave libel si Cedric Lee laban kay Vina Morales sa Caloocan City. Nauna na niyang sinampahan ng five counts of libel si Vina noong Lunes, June 20, sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.


Nagsampa muli si Cedric Lee ng five counts of grave libel laban sa dating karelasyon na si Vina Morales ngayong Huwebes, June 23.

Maliban dito, nagsampa rin ng hiwalay na libel case ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee laban sa singer-actress.

Sa pagkakataong ito ay sa Caloocan City Prosecutor's Office naman inihain ng negosyante ang kanyang panibagong reklamo.

Base sa dokumentong natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reliable source, halos pareho lamang ang mga nakatala sa nauna nang isinampang five counts of libel ni Cedric laban sa ex-girlfriend sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, noong Lunes, June 20.

Mahigpit pa ring pinabulaanan ni Cedric ang mga alegasyon ni Vina.

Kabilang na rito ang hindi raw niya pagbibigay ng sustento sa anak nilang si Ceana at ang diumano'y pambu-bully niya sa singer-actress at sa pamilya nito.

Read: PEP SCOOP. Cedric Lee files five counts of libel against Vina Morales in Cabanatuan City

“LIE ABOUT ME MORE…” Hiningan namin ng pahayag si Cedric tungkol sa panibagong reklamo niya laban kay Vina.

Sa pamamagitan ng Viber at text messaging, sumagot naman ito at nagpadala kaagad ng kanyang statement.

Ayon kay Cedric, hindi niya palalampasin ang bawat pagsasabi ni Vina ng mga kasinungalingan.

“Open your mouth and lie about me more and you will get more charges.

“A man's true wealth is not the amount of money he has, it’s the amount of time he has and I’ve got all the time in the world to attend hearings every day.

“Question is, does she have that luxury?”

Handa na rin daw siyang maglaan ng oras sa mga hearing na gaganapin bunsod sa inihain niyang mga reklamo.

“I will see all of these cases through until the very end even if we reach the Supreme Court for 10 years to get justice and clear our names.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mananatiling bukas ang PEP sa panigt ni Vina tungkol sa bagong pahayag na ito ni Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN