Judy Ann Santos reacts to rumored pregnancy of Sarah Geronimo

Judy Ann Santos on rumor that her friend Sarah Geronimo is pregnant: "Sarah knows better. Para sa akin, I trust Sarah. And whatever she wants to do in her life, she's 27, okey na yun, puwede na yun."


Nakaka-relate daw si Judy Ann Santos sa kumakalat na balitang buntis diumano ang kanyang kaibigan na si Sarah Geronimo.

Pahayag ng aktres, “Nakakatawa, alam mo, napagdaanan ko ‘yan.

“Hindi lang isang beses, maraming beses.

“Masyado lang talagang maraming tao na mapanghusga at iuunahan ang mga balita.

“Di ba, nakakatawa na nakakainis?”

Marami ang nag-i-speculate na buntis si Sarah dahil sa sinabi nitong magbabakasyon muna siya ng ilang buwan sa abroad for “medical reasons.”

Watch: Sarah Geronimo confirms 'medical reasons' for missing MTV Music Evolution

Pahayag ni Judy Ann tungkol dito, “Unfair naman dun sa bata na hinusgahan agad siya na ganun.

“Hindi ba puwedeng sabihin muna na gusto lang niyang mag-break, gusto lang niyang magpahinga?

“Hindi naman lahat ng tao puwedeng magtrabaho nang dire-diretso.

“Gusto niyang mag-enjoy, ibigay natin sa kanya.

“Ang tagal naman niyang nagtrabaho nang dire-diretso.”

Natawa naman si Judy Ann sa statement ng manager ni Sarah na si Vic del Rosario, ng Viva Entertainment, na tipong ipinangalandakan nitong “virgin” pa ang girlfriend ni Matteo Guidicelli.

Read: Boss Vic del Rosario on rumored pregnancy of Sarah Geronimo: 'Paano mabubuntis, e, virgin pa yun?'

“Hindi naman tinatanong kung virgin, ang tinatanong lang kung buntis.

“Nakakatawa rin itong si Boss Vic!” sabi ni Judy Ann.

Seryoso niya pang sabi, “Sarah knows better.

“Para sa akin, I trust Sarah.

“And whatever she wants to do in her life, she’s 27, okey na yun, puwede na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN