Zsa Zsa Padilla on life after breakup: "Boring."

Zsa Zsa Padilla says she no longer feels angry after breakup with Conrad Onglao: "It's so hard to be angry din, kasi parang it's exhausting."


Katulad ng kanyang naunang pahayag, ayaw nang pag-usapan ni Zsa Zsa Padilla ang pagkikipaghiwalay niya sa dati niyang fiance na si Conrad Onglao.

“I just want to leave it between the two of us,” sabi ng tinaguriang Divine Diva nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Push.com bago ang press conference ng iniendorso niyang Nuerobion, na ginanap ngayong Lunes, June 27.

Sa kabila ng hindi magandang pagtatapos ng kanilang relasyon, kapansin-pansin namang hindi binura ni Zsa Zsa ang mga dati niyang Instagram posts kasama si Conrad.

Aniya, “Somebody asked me nga, 'Yung iba, di ba, they're deleting?'

“Sabi ko, para namang bata. Di ba kasi, kapag mga bata, dine-delete talaga yung mga picture?

“Parang, 'Ano'ng nangyari? Break na talaga sila.'

“Sabi naman ng iba, 'Sila pa rin kasi nandun pa rin ang pictures nila.'”

Paliwanag ng singer-actress, “I'm not like that. These were the things that happened to you.

“I'm old enough to tell myself na, 'These happened and it was an experience after all.'

“That's for me to keep na lang whatever it was, but it's there.

“I mean, I don't wanna touch it anymore.”

Gayunman, nananatili raw ang pangako ni Zsa Zsa sa sarili na hindi na masyadong mag-post sa social media ng mga pangyayari sa kanyang buhay.

“Kasi, di ba, I made a pact nga not to post, talk about or divulge my personal life so much.

“Kasi sabi ko, oversharing is not good.

“Sabi ko naman, even noong panahon namin ni Dolphy, we've always been so open.

“So, sabi ko, I thought that was the way. I forgot that you have to keep something private.

“With social media now, we're always posting and posting.

“We always post naman good memories on social media.

“But I'm not posting naman na I'm crying, baka sabihin nila I'm a drama queen or something.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LIFE AFTER BREAKUP. Samantala, nang kumustahin namin ang buhay niya matapos ang breakup, napangiti si Zsa Zsa at sinabing, “Boring.”

Pagkatapos ay inilarawan ng Divine Diva ang madalas na routine niya sa araw-araw.

Kuwento niya, “What I do regularly na is to pray in the morning.

“When I have my coffee, that's when I pray. Then, I meditate and I read the Bible now.

“After morning prayers, I meditate. I've learned that after you speak to God, di ba, it's like praying.

“But when you meditate, it's like you listen, what is His message for you.

“Sometimes in the Catholics' way, the angels come. Di ba, pinapadala yung mga angels...

“For instance, I have a problem or questions, something about life or in the past, biglang ikaw ang magbibigay ng sagot.

“Ganun pala yun, you listen not only on your ears, see in your eyes, dapat with your heart.”

Sa ngayon, wala na rin daw siyang nararamdamang galit, hindi katulad noong bagong hiwalay pa lamang nila.

“It's so hard to be angry din kasi parang it's exhausting.

“When you break up, you're angry, that's normal.

“Even if, as everyone knows, I was the one who left.

“It doesn't mean to say that... You know, you leave because things are not working out in your relationship.”

Bukod sa prayer at meditation, malaking tulong din daw ang suporta ng kanyang mga kaibigan.

Sabi ni Zsa Zsa, “I have a lot of Christian friends who also sent over some books, which also helped me stay positive.

“Because in the beginning of a breakup, you have so many questions, a lot of anger in you, you go through a lot of phases.

“I'm glad that by His grace, I don't have that personal load [anymore].”

Read: Zsa Zsa Padilla in the process of healing after breakup with Conrad Onglao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN