VP Jejomar Binay warns VP-elect Leni Robredo about controversies during term

Halos apat na araw bago siya bumaba sa puwesto, binisita ni Vice President Jejomar Binay ang kanyang successor na si Vice President-elect Leni Robredo sa condo nito sa Quezon City. Nagkaroon ng masayang pag-uusap ang dalawa at nagsalu-salo pa dahil nataon namang ika-29 anibersaryo ng kasal nina Leni at sa namayapang asawa nitong si Jesse.


Ilang linggo matapos ang May 9 elections, sa wakas ay nagkita na rin nang personal sina outgoing Vice President Jejomar Binay at incoming Vice President Leni Robredo sa condo ng huli sa Quezon City, kahapon, June 27.

Paraan na rin ito ni Binay upang batiin nang personal ang nanalong bise presidente matapos ang kanyang congratulatory message noong nakaraang May 31.

Read: Vice President Jejomar Binay congratulates successor Leni Robredo

Sa kanilang pag-uusap, binalaan ni Binay si Robredo tungkol sa mga kontrobersiya na maaari nitong kaharapin sa kanyang panunungkulan, katulad ng kanyang kinaharap sa huling dalawang taon ng kanyang pamamahala.

“Marami pang intrigang darating,” paalala pa ni Binay kay Robredo.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, si Binay ang nag-initiate ng kanilang meeting.

Sabi pa niya kay Leni, isipin nito na ang kanyang opisina ay dudumugin ng mga taong nais manghingi ng tulong at ayuda.

Nataon naman na 29th wedding anniversary ni Leni at ng namayapa nitong asawa na si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang pagdalaw ni Binay, kaya pinagsaluhan nila ang kanyang handang niyang bihon, Bicol express, at gulay na santol.

Biro pa ni Leni, “Kailangan niyo pong kumain kasi wedding anniversary namin ngayon.”

Nagpasalamat naman si Robredo kay Binay na hindi nito binawasan ang 2016 budget ng kanyang opisina sa kanyang pag-alis.

Nais din daw niyang mapantayan ang kasipagan nito sa pag-iikot sa mga probinsiya.

Saad ni Robredo, “Ang sipag niyo ho mag-ikot.

“Yung mga lugar na akala ko ako pa lang ang nakapunta, sinasabi ng mga tao, galing na si VP Binay dito.

“Tapos yung ibang lugar, hindi lang isang beses niyo pinuntahan.

“Masipag ako, pero hindi ko alam kung kaya ko yung ginagawa niyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN