KC Concepcion posts birthday message for "Bae" Aly Borromeo

In a new Instagram post, KC Concepcion referred to Aly Borromeo as "bae" and greeted the football player on his 33rd birthday


Binati ni KC Concepcion ang napapabalitang boyfriend niya na si Aly Borromeo sa kaarawan nito at nag-post pa ng sweet photo nila sa social media.

Ipinagdiriwang ng dating Azkals team captain ang kanyang 33rd birthday ngayong Martes, June 28.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni KC ang picture nilang dalawa ni Aly habang nasa may swimming pool.

Simpleng caption ni KC: “#HappyBAEday”

Pinagsamang “happy birthday” at “bae” na tila indikasyon ng pagiging espesyal ni Aly sa Kapamilya actress.

Sa comments section, marami ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa post na ito ni KC.

#HappyBAEday

A photo posted by KC Concepcion (@thisiskcconcepcion) on

Wala mang direktang pag-amin, bukas naman ang dalawa sa pagpapahayag ng pagiging espesyal nila sa isa't isa, kagaya sa interviews at social media posts.

Read: KC Concepcion 'kilig to the bones' with rumored boyfriend Aly Borromeo

Read: Netizens thank Aly Borromeo for his 'love and support' to KC Concepcion


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN