Jasmine Curtis-Smith gets mixed reactions from AlDub fans; thanks fans who understand

Jasmine Curtis-Smith thanks netizens who understand her on why she did not immediately confirm that she is part of the Alden Richards-Maine Mendoza movie.


Nitong weekend ay nag-tweet si Jasmine Curtis at nagpasalamat sa AlDub fans na nagpakita ng suporta sa kanya bilang bahagi ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Imagine You And Me.

Nagpasalamat din si Jasmine sa mga nakaunawa sa kanya kung bakit hindi niya agad inamin sa isang interview na kasama siya sa pelikula ng AlDub.

Noong nakaraang linggo, June 20, may mga netizen ang bumatikos sa aktres dahil sa hindi niya pag-amin sa isang event na kasama nga siya sa pelikula nina Alden at Maine.

WATCH: Is Jasmine Curtis Smith promoting Imagine You And Me?

Sa comments section ng post ni Jasmine, sunud-sunod ang komento ng netizens. May tumawag sa kanyang “mababaw”, “plastic,” “may amnesia,” at “napilitan.”

Mayroon din namang AlDub fans na ipinagtanggol si Jasmine.

May nagsabing wala silang nakitang masama sa mga sagot ni Jasmine sa interview.

Nauunawaan daw nila kung bakit hindi nito direktang inamin na kasama siya sa pelikula.

May fan ding humingi ng paumanhin sa aktres dahil sa pamba-bash ng ibang fans, at sinabing nadala lang siguro ang mga ito ng kanilang emosyon.

May mga nagpaalala ring tapos na ang isyu at ipinaliwanag na ni Jasmine ang dahilan kung bakit hindi siya nagbigay ng kumpirmasyon sa unang interview.

JASMINE SPEAKS. Sa nasabing comments section, sumagot din si Jasmine sa pambabatikos sa kanya.

Nakiusap siya sa netizens na itigil na ang pag-aaway sa kanyang account.

“Guys, all this fighting needs to stop. I already said my apologies in another interview and if that doesn’t suffice, then may I just kindly ask for anyone not to start a fight or anything similar here on my page.”

Dagdag pa ng aktres, may iba-ibang opinyon ang bawat isa, pero hindi kailangang mag-away.

“If you don’t like me or what I did, it is easy to unfollow and block. We all have different opinions/POVs but fighting about it won’t bring about anything good to the table. Let’s all just #StopTheHate like we all stood up for last year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinimok din ni Jasmine ang lahat na iwasan ang cyber bullying.

“And most importantly, let’s stop cyber bullying each other. There’s always another alternative for handling situations wherein you have a disliking for someone or something. Hope you all find peace and love in your heart this wonderful morning.”

Noong June 22, Miyerkules, sa isang endorsement, muling na-interview ng PEP si Jasmine at dito ay ipinaliwanag niya na kailangan niya muna ng go-signal ng producers bago sabihing kasama siya sa pelikula.

Ibinahagi rin ni Jasmine na ang unang utos sa kanya ay huwag munang sasabihin na kasama siya sa pelikula ng AlDub.

Pero nagpapasalamat din ang aktres dahil may AlDub fans na binati siya at masaya na kasama siya sa pelikula.

Read: Jasmine Curtis-Smith finally confirms she is part of AlDub movie


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN