Jonalyn Viray gives update after being stranded in Turkey due to bombing incident

(Left photo) Jonalyn Viray's Instagram photo in Madrid before their group boarded the plane on their way to Istanbul airport in Turkey for a layover. (Right photo) Jonalyn with Amy Perez and husband Carlo Castillo in Turkey.


Nagbigay ng update ang singer na si Jonalyn Viray kaugnay ng pagkaka-stranded ng kanilang grupo sa Turkey dahil sa nangyaring suicide bombing incident sa Ataturk Airport sa Istanbul ngayong Miyerkules, June 29.

Kasama si Jonalyn sa grupo ni Amy Perez at asawa nitong si Carlo Castillo na nagtungo sa Madrid, Spain, para sa Maalaala Mo Kaya 25 Kakwentong Kapamilya event.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Jonalyn sa Instagram habang kasama niya sina Amy, Carlo, at isa pa.

Mula Madrid, lumipad papuntang Turkey ang grupo nina Jonalyn para sa kanilang stopover sa Istanbul Airport bago bumalik sa Pilipinas.

Subalit sa Izmir Adnan Menderes Airport lumapag ang eroplanong sinasakyan nila, na limang oras ang layo mula sa Ataturk Airport, dahil nga sa nangyaring pagbomba roon.

Sa pamamagitan ng phone patch, na-interview si Amy sa Umagang Kay Ganda kanina at ikinuwento nito ang nangyaring pagkaantala ng pag-uwi ng kanilang grupo.

Read: Amy Perez's flight to Manila delayed due to Istanbul airport bombing

JONALYN RELATES FLIGHT DELAY. Sa pamamagitan naman ng Instagram, ikinuwento ni Jonalyn ngayong hapon ang development ng pag-uwi ng kanilang grupo sa Pilipinas.

“Hello everyone, siguro nabalitaan niyo ang shooting and bombing sa Istanbul Airport,” simula ng singer.

Lahad pa ni Jonalyn, blessing in disguise na rin ang pagkaka-delay ng flight nila mula Madrid patungong Istanbul, dahil kung hindi ay nadamay pa sila sa nangyaring pagbomba.

“We were supposed to have a stopover there from Madrid before we fly to Manila.

“But through God's traveling mercy na-delay ang flight namin papunta doon sa Istanbul and saved us from whatever could happen to us.”

Ipinaliwanag ni Amy na mula sa Izmir Airport, bumaba muna sila ng eroplano at nag-bus para magpahinga sa hotel.

Sa caption ni Jonalyn, sinabi nitong may alternatibo na silang dadaanan upang makauwi sa Pilipinas, subalit mas magiging mahaba ang biyahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na-divert at na-stranded kami dito sa Izmir Turkey (5hrs away frm Istanbul) since midnight.

“Looked for another flight available to Manila.”

Mula hotel, babalik silang muli sa Izmir Airport at lilipad patungong Ankara.

Mula Ankara, tutungo sila sa Doha, Qatar, kung saan sila sasakay muli pabalik ng Pilipinas.

“Medyo marami kaming dadaanan, from Izmir to Ankara, Ankara to Doha, Doha to finally Manila.”

Sa kabila nito, malaki ang pasasalamat ni Jonalyn dahil nailigtas sila mula sa kapahamakan.

“Mahaba-habang byahe uli ito pero nagpapasalamat kami nina Ms. Amy, Kuya Carlo (Ms. Amy's husband) and Ate Arlene, my manager, dahil safe naman kami and thank you also to everyone who helped us and messaged us. God bless!”

Hello everyone, siguro nabalitaan niyo ang shooting and bombing sa Istanbul Airport, we were supposed to have a stopover there from Madrid before we fly to Manila. But through God's traveling mercy nadelay ang flight namin papunta doon sa Istanbul ng isang oras and saved us from whatever could happen to us (sometimes being late or delayed is a great thing!) Nadivert at nastranded kami dito sa Izmir Turkey (5hrs away frm Istanbul) since midnight. Looked for another flight available to Manila. Medyo marami kaming dadaan, from Izmir to Ankara, Ankara to Doha, Doha to finally - Manila. Mahaba habang byahe uli ito pero nagpapasalamat kami nila Ms.Amy, Kuya Carlo (Ms.Amy's husband) and Ate Arlene my manager dahil safe naman kami and thank you also to everyone who helped us and messaged us. God bless!

A photo posted by JONA (@jona_viray) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN