Keempee de Leon reaches out to Paolo Ballesteros after being sacked from Eat Bulaga!

Apat na buwan nang wala sa Eat Bulaga si Keempee de Leon (kaliwa) sa hindi raw niya malamang dahilan. Samantala, si Paolo Ballesteros (kanan) naman ay apat na buwan nang suspendido sa show. Para kay Keempee, nararapat na makabalik sa EB si Paolo dahil kailangan daw ng show ang actor-TV host.


Matapos isiwalat ni Keempee de Leon na tinanggal na siya sa Eat Bulaga, nais naman ng anak ni Joey de Leon na maibalik sa noontime show si Paolo Ballesteros.

Read: Keempee de Leon says he was removed from Eat Bulaga four months ago

Bagamat walang opisyal na pahayag mula sa pamunuan ng TAPE Inc., pinaniniwalaang nasuspinde ng anim na buwan si Paolo sa show matapos itong mag-rant sa Facebook noong March 10, kaugnay ng hindi raw pag-asikaso sa kanya at sa mga kasama niya sa hotel na kanilang tinuluyan sa Subic para sa Ad Summit 2016.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?

Nitong Miyerkules, June 29, nag-comment si Keempee sa isang post ni Paolo sa Instagram.

90's pa more! ???????????????????? #DieBeautiful

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Sabi niya: “@pochoy_29 nice pao! :) anyway it was a pleasure and greatful working with you all those years :) hope to see you back in eb anytime soon :)”

Matapos nito, sinabi ni Keempee na tinaggal siya show nang walang karampatang dahilan.

Hindi man lang daw siya nakatanggap ng memo o explanation kung bakit siya inalis sa longest-running noontime show sa bansa.

Post ng actor-TV host: “As for me waley na...sabi nga nila..shonggal nako sa show. Di ko alam kung bakit. Waley memo or explanation.”

Sabi pa ni Keempee, kailangan si Paolo sa Eat Bulaga, kahit hindi man aminin ng pamunuuan ng programa na kailangan nila ito.

Bukod sa paghu-host ay nakilala rin si Paolo sa pagbibihis-babae niya sa programa at sa pagganap niya bilang Lola Tidora sa Kalyeserye.

“You deserve to be there and be back. They needed you kahit di nila aminin. Your good pao!!! :) Good luck! God bless :)”

Hindi naman sumagot si Paolo sa komentong ito ni Keempee.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng Eat Bulaga! management sa nais nilang ihayag tungkol sa naging saloobin ni Keempee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN