Vice Ganda: "Si Duterte na ang Pangulo. Yakapin ang PAGBABAGO."

Vice Ganda expresses support to the administration of President Rodrigo Duterte and calls to embrace change.


Muling ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagsuporta sa bagong Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, na nanumpa na sa Malacanang nitong Huwebes, June 30.

Sa pamamagitan ng social media, sunud-sunod ang post ng comedian-TV host na may kaugnayan kay President Duterte.

Kahapon, nag-tweet si Vice tungkol sa proklamasyon ni Duterte at hinimok ang lahat na suportahan ang kampanya ng bagong Pangulo para sa pagbabago.

“Si Duterte na ang Pangulo. Yakapin ang PAGBABAGO,” tweet ng It’s Showtime host.

Nag-post din si Vice ng larawan kasama ang ibang hosts ng ABS-CBN noontime show habang nanonood ng oath-taking ni Duterte.

Makikita sa nasabing larawan sina Billy Crawford, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, at Anne Curtis na nakatalikod sa camera.

Kasunod nito ay ang tweet ni Vice na lumipad siya patungong Davao City.

Sumunod na status niya ay ang larawan kasama ang anak ni President Duterte na si Mayor Sara Duterte, kasama ang asawa nitong si Manases “Mans” Carpio at ang kanilang dalawang anak.

With the First Family.

A photo posted by Jose Marie Viceral (@praybeytbenjamin) on

Hindi ito ang unang pagkakataong ipinakita ni Vice ang suporta niya kay Duterte.

Noong June, pumunta si Vice sa Davao City para sa thanksgiving bash ni Duterte matapos manalo sa eleksyon, kasama ang iba pang artista na sumusuporta sa dating mayor ng Davao City.

Hindi natuloy ang pagpe-perform ni Vice dahil sa malakas na ulan at power outage.

Nalungkot man si Vice dahil hindi nakapag-perform, nag-tweet siyang masaya na rin siya at nakita ang mga taga-Davao.

Nag-tweet din si Vice na mahal niya ang Davao.

Read: Vice Ganda unable to perform at Duterte thanksgiving bash

Read: Vice Ganda meets President-elect Rodrigo Duterte's son Baste


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN