Kris Aquino on AlDub: "They deserve all the success that they have."

Puro papuring salita ang binitiwan ni Kris Aquino nang matanong siya tungkol sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza, na mas kilala sa tawag na AlDub. Sabi pa ng Queen of All Media, pinaghirapan ng dalawa ang kanilang tinatamasang tagumpay ngayon.


Noon pa man ay vocal na ang Queen of All Media na si Kris Aquino na mahal niya ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala sa tawag na AlDub.

Read: Kris Aquino admits watching AlDub, but still loves Vice Ganda

Sa kanyang pagharap kay Marian Rivera sa show nitong ‘Yan Ang Morning sa GMA Network kaninang umaga, July 1, tinanong si Kris kung ano ang masasabi niya sa sikat na Kapuso loveteam na AlDub.

Sagot niya, “A, I love them.”

Dagdag pa ni Kris, “Si Maine, parati niyang sinasabi, di ba, na nakita siya ng T.A.P.E. dahil sa kaka-spoof niya sa akin.

“Tapos nakita yung mga videos.

“I’ve actually never met her. We’ve never met.”

Hindi na marahil naalala ni Kris na minsan na silang nagkita ni Maine sa isang event ilang buwan bago mapabilang ang huli sa Eat Bulaga, kung saan nakilala siya nang husto.

A once in a lifetime photo op with Ms. Kris Aquino. Thank you, LBC and Movent! #lovelovelove #mukhaakonglola

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Sabi naman ni Kris tungkol sa Pambansang Bae, “Pero si Alden, nung… noon-noon pa, nung gumawa kami ng My Little Bossings [2013], tapos nag-guest ako sa Eat Bulaga, he was also a guest, nilapitan pa niya ako, and sinabi niya, ‘Miss Kris, ako po si Alden.’

“Sabi ko, ‘Uy, kilala kita.’”

Patuloy ng TV host-actress, “They deserve all the success that they have.

“Competition makes everybody strive harder.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN