Xian Lim has no problem if rumored GF Kim Chiu will be paired anew with her ex-BF Gerald Anderson

Xian Lim sees no problem if his loveteam partner and rumored girlfriend Kim Chiu will be paired again with former partner and ex-boyfriend Gerald Anderson. He said, "No hesitations, no doubt about it, there's no problem."


Wala raw problema kay Xian Lim kung maiparehang muli ang kanyang ka-love team at rumored girlfriend na si Kim Chiu sa dati nitong katambal at ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Tinanong kasi siya ng isang miyembro ng press kung okay lang ba sa kanya kung sakaling muling magsama ang Kimerald sa isang proyekto.

Sagot ni Xian, “Of course, oo naman, no hesitations, no doubt about it, there's no problem.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Xian sa bloggers' conference para sa kanyang concert na #ADateWithXian na ginanap kahapon, June 30.

Dagdag niya, “We're here to cater to our fans, we're here to cater sa mga manonood sa amin and we're just here to give them the best story possible. Yun lang talaga.

“Basta galing sa puso yung istorya, para sa akin, yun na yung success. Seeing the smiles on their faces.”

Matatandaang sina Kim at Gerald ang naging unang magkatambal pagkalabas nila sa Pinoy Big Brother house noong 2006.

Ilan sa mga proyektong nagawa nila noon ay apat na episodes ng Love Spell (2006-2008), at mga teleseryeng Sana Maulit Muli (2007), Sineserye Presents Maligno (2008), My Girl (2008), Tayong Dalawa (2009), at Kung Tayo'y Magkakalayo (2010).

Nakagawa rin sila ng anim na pelikula: First Day High (2006), I've Fallen For You (2007), Shake Rattle and Roll X (2008), Paano Na Kaya (2010), at Till My Heartaches End (2010).

Kimerald in Sana Maulit Muli, My Girl, and Tayong Dalawa
Photos by YES! Magazine (Sana Maulit Muli) and ABS-CBN

Kasabay ng pagkabuwag ng kanilang love team ay ang balitang naghiwalay na rin sina Kim at Gerald sa totoong buhay, kahit pa hindi nila diretsahang inaamin noon ang kanilang naging relasyon.

Noong 2011 naman unang naipareha si Kim kina Xian, Matteo Guidicelli, at Jolo Revilla sa teleseryeng My Binondo Girl; habang si Gerald naman ay naitambal sa iba't ibang leading ladies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagtatapos ng My Binondo Girl ay mas tinanggap ng mga manonood ang tambalang Kim at Xian, kaya nasundan ito ng isa pang teleserye, ang Ina Kapatid Anak, na ipinalabas noong 2012.

Kasabay nito ay pansamantalang nagbalik-tambalan sina Kim at Gerald para sa isang episode ng pelikulang 24/7 in Love, na ipinilabas noong November 2012.

Sa mga sumunod na taon ay nakagawa ng tatlong pelikula ang tambalang KimXi: Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? (2013), Bride For Rent (2014), at Past Tense (2014).

KimXi in Ina Kapatid Anak, Bride For Rent, and The Story of Us
Photos by ABS-CBN and Noel Orsal (The Story of Us)

Noong August 2015 naman, muling nagkasama sina Kim at Gerald sa isang production number sa ASAP.

Photo by Allan Sancon

Pagkatapos nito ay gumawa naman ng pelikula sina Kim at Xian para sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang All You Need is Pag-ibig.

Katatapos lang din ng teleseryeng pinagbidahan ng KimXi, ang The Story of Us, na tumakbo mula February hanggang June 2016.

Noong press conference ng The Story of Us ay nabanggit ni Xian na bagamat "mahal na mahal" niya si Kim ay ayaw muna nilang bigyan ng label ang kanilang relasyon.

Read: Xian Lim afraid to put a label in relationship with Kim Chiu


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN