Jonalyn Viray recounts "scary" experience in Turkey

Jonalyn Viray on her experience in Turkey: "Sobrang natakot po kami but, at the same time, nahimasmasan kami, at least po hindi kami naka-land on time sa Istanbul."


Ikinuwento ni Jonalyn Viray ang karanasan niya nang ma-stranded ang kanilang grupo sa Turkey dahil sa suicide bombing incident sa Ataturk Airport sa Istanbul, kung saan sila dapat sasakay pauwi ng Pilipinas.

Nangyari ang suicide bombing sa Istanbul Airport noong Miyerkules, June 29.

Galing Madrid, Spain si Jonalyn, kasama sina Amy Perez at asawang si Carlo Castillo, para sa Maalaala Mo Kaya 25 Kakwentong Kapamilya event.

Read: Jonalyn Viray gives update after being stranded in Turkey due to bombing incident

“Sobrang naging scary po talaga, sobrang kinabahan po kami,” simula ng singer sa press conference ng 'ASAPinoy' segment ng ASAP nitong Biyernes, July 1.

“But we’re very thankful kasi po na-delay po yung flight namin sa Madrid ng isang oras.”

Kung umalis daw sila sa takdang oras ay baka nadamay pa sila sa pagsabog sa Istanbul Airport.

Nag-divert ang eroplanong sinasakyan nila sa Izmir Airport, na limang oras na biyahe by land ang layo sa Istanbul Airport.

Pagkalapag ng eroplano sa nasabing airport, hindi raw sila pinababa para sa seguridad.

Ayon kay Jonalyn, “So, andun lang po kami sa loob ng eroplano for two hours nang maka-land po kami, kasi hindi po kami pinapapasok sa loob ng airport for safety.”

Malaki raw ang pasasalamat ni Jonalyn na kasama nila sina Amy at Carlo dahil sila ang nagtawag ng mga kakilala para humingi ng tulong.

“Si Kuya Carlo ang maraming contacts sa TV5, ABS-CBN, DFA, Philippine Embassy sa Turkey, kaya po naging okay din naman lahat.”

Hindi rin daw iyon ang unang beses ni Jonalyn na makarating sa Turkey.

“Last 2007 nakapunta po ako dun, wala pa pong ganung kaguluhan.

“Nung nakakuwentuhan po namin yung mga contingents sa Turkey, two years ago nagsimula yung mga ganung threats at mga bombings, shootings.

“Sobrang natakot po kami but, at the same time, nahimasmasan kami, at least po hindi kami naka-land on time sa Istanbul.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRIT QUEENS. Samantala, kabilang si Jonalyn sa Birit Queens ng ASAP na binubuo rin nina Angeline Quinto, Morisette Amon, at Klarisse de Guzman.

Dream-come-true raw para sa kanya na makatrabaho ang Kapamilya singers.

“Very happy and super blessed dahil nagkatotoo po yung pangarap na makipag-collaborate sa magagaling na artists ng Pilipinas, so andito po ako sa ASAP, sobrang thankful po ako sa ABS-CBN,” pahayag ng dating Kapuso singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN