Ian King on being a trans woman: "We only have one life to live, live it as authentic as possible."

Taong 2012 pa nang simulang yakapin ni Angie ang tunay niyang katauhan. Pero nitong June 29, 2016 lang siya pormal na umamin na isa siyang trans woman. Sabi niya sa Instagram: "It's hard to keep denying yourself your own truth so now this is me."


Masayang tinanggap ng ina ni Ian King na si Marvy del Rosario Schuman ang rebelasyon ng anak na isa itong trans woman.

"I am so happy to announce that my son, Ian, is now my daughter, too.

"At long last, she is out," pahayag ni Mrs. Schuman sa kanyang Facebook post ngayong araw, July 3, ang masayang panimula niya:.

Saka nito ipinahayag na ang larawang ginamit niya sa post ay kuha pa noong 2011, noong binisita siya ni Ian kasama ang asawang si Joey Mead.

Noong taong ding iyon ikinasal ang couple.

Sa isa pa nitong post, ipinahayag ni Mrs. Schuman ang kanyang pagmamahal sa anak na si Angelina Mead King—ang bagong pangalan ni Ian.

“It takes courage to speak your truth...I am thrilled and happy that my child has found bliss! To live an honest life is the only way we should live.

"I love you, Angie.”

Si Angie ay anak ng namayapang may-ari ng Victoria Court na si Archie King.

Incidentally, ngayong buwan ang death anniversary ng kanyang ama na pumanaw sa isang chopper crash sa Cuenca, Batangas, noong July 5, 2015.

Read: Victoria Court CEO Archie King killed in Batangas chopper crash

Kahapon, July 2, lumabas ang balita tungkol sa coming out ni Angie.

Read: Joey Mead's husband Ian King is now a trans woman

Kahapon din ang selebrasyon ng birthday ng kapatid ni Angie na si Atticus King, na dating boyfriend nina Iza Calzado at Bubbles Paraiso.

Happy Birthday bro! @atticusking

A photo posted by Ian King (@hailtothe_king) on

Sa Instagram post ni Atticus, tanggap din nito ang pagkakaroon niya ng bagong "ate."

THE LONG WAIT IS OVER? Base sa Instagram posts sa account ni Angie na @hailtothe_queen_, September 30, 2012 pa nagsimula ang unti-unti niyang pagyakap sa kanyang totoong pagkatao.

Sa mga hashtag na kanyang ginamit na #Transgender #mtf #crossdresser #ladyboy #mtf #trans #tgirl, mahihinuhang alam na rin ito ng mga taong nakapalibot sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First photo! My nails! Matte grey.

A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on

Narito ang iba pa niyang posts na nagpapahiwatig na lubos na ang kanyang pagyakap sa bago niyang katauhan:

I love heels! #heels #high #stiletto #transgender #crossdresser #transvestite

A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on

I love it when I see my real self #girlslikeus ??

A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on

Sometimes the King is a Woman ????

A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on

HAPPY TO BE FREE. Sa Instagram post pa rin ni Angie, makikitang tanggap din ang kanyang pagkatao ng asawang si Joey Mead, na inilarawan pa niyang "number one supporter."

Marami naman ang pumuri kay Joey dahil sa pagtanggap nito sa tunay na katauhan ng asawa.

Were so happy to be free ?????????? @joeymeadking

A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on

Sa post niya sa kanyang first account na @hailtothe_king, nagpasalamat si Angie sa lahat ng sumuporta sa kanyang coming out.

True love and support is what everybody needs. I'm so blessed and happy to finally be real! ??????????

A photo posted by Ian King (@hailtothe_king) on

ONE LIFE TO LIVE. Heto ang statement na ipinadala ni Ian sa TopGear Philippines:

"We only have one life to live, and we should all try and live it as authentic as possible.

"I would like to thank everyone for the love and support that I have been receiving.

"I never thought in my wildest dreams that this would become a reality for me.

"I will always keep bringing innovation to the car community in the months to come!"

Kilala si Ian sa car industry dahil siya ang founder ng Car Porn Racing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN