Marion Aunor's mom hits back at Vice Ganda over "below-the-belt" comment

Binuweltahan ng dating artista na si Maribel Aunor ang comedian-TV host na si Vice Ganda dahil sa diumano'y 'below-the-belt' comment nito sa grupong kinabibilangan ng kanyang anak na si Marion Aunor sa July 3 episode ng We Love OPM.


Nag-react ang ina ni Marion Aunor na si Maribel Aunor hinggil sa komento ni Vice Ganda sa naging performance ng kinabibilangang grupo ng anak sa We Love OPM The Celebrity Sing Offs, ang celebrity singing competition ng ABS-CBN tuwing weekend.

Nitong Linggo, July 3, kinanta ng grupong Team Power Chords—na binubuo nina Marion, Marlo Mortel, at Kaye Cal—ang bersiyon nila ng “Good Vibes” na kanta ni Vice.

Si Vice ang featured artist at judge sa naturang episode.

Komento ng It’s Showtime host sa performance ng Power Chords: “Keri naman. Although hindi ako magaling na magaling kumanta, pero feeling ko, may part na merong sintunado, yun lang.”

Pero hindi sumang-ayon dito ang ina ni Marion, base na rin sa kanyang Facebook post ngayong Martes, July 5.

Kalakip ang YouTube link ng nasabing performance, nagpahayag ng pagkadismaya si Maribel sa komento ni Vice.

Saad ng '70s teen star, “So sad na nadala pa sa comment ni Vice Ganda ang audience sa sinabi n’yang may nagsintonado.

“Ganun ba kagaling ang tenga n’ya sa music? Underdog masyado ang group [ng] #‎Teampowerchords.”

Hindi rin sang-ayon si Maribel sa sinabi ni Vice na may nagsintonado sa grupo.

“Ilang beses ko inulit-ulit ang video. For me, wala naman nagsintonado sa kanila since singers talaga silang tatlo.

“And Marion came from a family of singers and musicians.

“Huwag naman sana ganun at ginawa pa silang laughing stock ng mga mentors during Tres Kantos na.

“This is below the belt na po.

“Sana huwag mangyari sa kanila ang ginawa nila sa tatlo. Bilog ang mundo, remember?”

Si Marion ay pamangkin ng Superstar na si Nora Aunor, na pinsan naman ni Maribel.

OFFENSIVE COMMENT. Sa comments section, sinang-ayunan pa ni Maribel ang isang nagkomento na “offensive” ang komento ni Vice sa grupo.

Sagot ni Maribel dito, “I am trying to be silent abt this but it was really offensive na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marion is trying to be strong pero I hate to see my daughter na sobra nang nasasaktan.”

Bago ito ay sinagot ni Vice ang isang netizen na kumuwestiyon sa pagkakapili sa kanya bilang featured 'OPM icon' sa We Love OPM.

Read: Vice Ganda responds to basher who questioned his I Love OPM guest appearance

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Vice Ganda kaugnay ng naging pahayag ni Maribel Aunor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN