Nadia Montenegro gives update on fundraising drive for Dick Israel

(Counter-clockwise) Nadia Montenegro posts photo with Dick Israel, Dick's photos then and now; Vivian Velez, Marvin Agustin. Nadia, Marvin, and Vivian are some of the celebs who extended help to the veteran actor.


Nagbigay ng update si Nadia Montenegro tungkol sa kalagayan ng beteranong aktor na si Dick Israel, na nasunugan kamakailan at dumanas pa ng stroke noong 2010.

Bunsod ng kalagayan ng aktor, naglunsad ang mga kaibigan niya sa industriya ng fundraising drive, sa pamamagitan ng Damay Kamay Foundation, upang matulungan siya.

Kabilang na rito ang aktres na si Vivian Velez na pinangunahan ang fundraising upang matulungan si Dick.

Read: Vivian Velez spearheads fundraising for colleague Dick Israel

Ngayong Martes, July 5, nag-post naman si Nadia sa Instagram tungkol sa ginawa niyang pagbisita kay Dick.

Lahad niya, “Woke up early today for a very important mission!

“Woke him up too! He gave me the warmest smile in return!

“Tito Dick! Tats! Whatever you call him, we want you to know that you are loved! Daming nagmamahal sa inyo.

“Hindi lang po artista ang dumadaan sa mga pagsubok ng buhay. Lahat po tayo!

“Nagka-stroke si Tito Dick then di na po s’ya nakapagtrabaho masyado after nu’n.

“Madalang na mga dumating na trabaho. Then nangyari nga ang masaklap na trahedya nung gabi nasunugan sila sa bahay nila sa Caloocan. Naubos po lahat.

“Dahil sa FB at sa mga ibang taong may malasakit kaya nakarating sa atin lahat ang sitwasyon ni Tito Dick!”

Binanggit din ni Nadia ang mga tao at organisasyon na nag-abot ng tulong sa aktor, na nakilala sa pagganap sa kontrabida roles.

“Laking pasalamat ng pamilya sa lahat ng tumutulong lalong lalo na po sa ABSCBN @abscbn sa mga kapwa artista tulad nila Konsehala @OnetHenson si @marvinagustin at mga kasamahan sa @damaykamay headed by our members @vivianv8 @peterserrano888 @biancalapus & yours truly, na di kami titigil hangga’t masiguro na makakabangon ulit si Tito Dick kasama ng kanyang buong pamilya.

“Please continue to pray for him! He is in good health, and in high spirits as always.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilagay rin ni Nadia ang mga paraan kung paano makakapag-abot ng tulong sa veteran actor.

“ABSCBN... Sa lahat po ng nagtatanong patuloy po ang @damaykamay #damaykamayfoundation na tatanggap ng donations in kind or in cash in behalf of Tito Dick Israel.

“For cash donations

“Security bank. Morato branch. Checking account number 5318 2600 0275 0061 Peter F. Serrano./ Damay Kamay (treasurer)

“For any other donations in kind we have our drop off points in qc and pasig. For more info please go to our FB or IG accts.

“Maraming Salamat Po! #HelpDickIsrael”

Samantala, sa comments section, nagkomento si Marvin Agustin na isa sa mga tumulong kay Dick.

Nagkomento pa ang actor-restaurateur na bukod sa tulong pinansiyal, mahalaga na iparamdam kay Dick na hindi siya nakakalimutan ng mga kapwa niya taga-industriya.

#ToGodBeAllTheGlory Woke up early today for a very important mission! Woke him up too! He gave me the warmest smile in return! Tito Dick! Tats! Whatever you call him, we want you to know that you are loved! Daming nagmamahal sa inyo. Hindi lang po artista ang dumadaan sa mga pagsubok ng buhay. Lahat po tayo! Nagkastroke si tito Dick then di na po sya nakapagtrabaho masyado after nun. Madalang na mga dumating na trabaho. Then ngyari nga ang masaklap na trahedya nung gabi nasunugan sila sa bahay nila sa Caloocan. Naubos po lahat. Dahil sa fb at sa mga ibang taong may malasakit kaya nakarating sa atin lahat ang sitwasyon ni Tito Dick! Laking pasalamat ng pamilya sa lahat ng tumutulong lalong lalo na po sa ABSCBN @abscbn sa mga kapwa artista tulad nila Konsehala @OnetHenson si @marvinagustin at mga kasamahan sa @damaykamay headed by our members @vivianv8 @peterserrano888 @biancalapus & yours truly na di kami titigil hanggat masiguro na makakabangon ulit si Tito Dick kasama ng kanyang buong pamilya. Pls continue to pray for him! He is in good health, and in high spirits as always. ABSCBN...???????????????? Sa lahat po ng nagtatanong patuloy po ang @damaykamay #damaykamayfoundation na tatanggap ng donations in kind or in cash in behalf of Tito Dick Israel. For cash donations Security bank. Morato branch. Checking account number 5318 2600 0275 0061 Peter F. Serrano./ Damay Kamay (treasurer) For any other donations in kind we have our drop off points in qc and pasig. For more info please go to our fb or ig accts. Maraming Salamat Po! #HelpDickIsrael

A photo posted by Nadia montenegro (@officialnadiam) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN