Ciara Sotto on estranged husband Joe Oconer: "Hindi kami magkaaaway for my son's sake."

Ciara Sotto says she's no longer furious but has yet to forgive estranged husband Joe Oconor.


Inamin ni Ciara Sotto na kahit papaano ay humupa na ang galit niya sa estranged husband na si Joe Oconer.

Ito ay makalipas ang anim na buwan mula nang aminin ng aktres ang tungkol sa hiwalayan nila ng mister at ang kanyang desisyong bumalik sa bahay ng mga magulang.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

“Tapos na yung galit na galit ka na stage,” maiksing pahayag ni Ciara sa ulat ng 24 Oras, Martes ng gabi, July 5.

Ayon kay Ciara, nagkasundo sila ng kanyang mister para sa kapakanan ng kanilang isang taong gulang na anak.

“I think it’s very important na hindi kami magkaaaway for my son’s sake.”

Nabanggit din sa ulat na iginiit ni Ciara na hindi ibig sabihin ay “forgiven” na ang pagkakamaling ginawa ni Joe sa kanya.

Enero 15, 2016 nang isapubliko ni Ciara ang tungkol sa marital problem nila ng non-showbiz husband.

Kasunod nito ay lumutang ang pangalan ni Valeen Montenegro bilang hinihinalang third party diumano sa hiwalayang Ciara at Joe.

Read: PEP EXCLUSIVE. Valeen Montenegro denies causing the separation of Joe Oconer and Ciara Sotto

Hindi tuwirang inamin ni Ciara kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Joe.

Ngunit hindi kaila sa publiko ang pagbahagi ng bunsong anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa ng ilang Instagram at Twitter posts na may kinalaman sa mga “mistress.”

Read: Ciara Sotto hints at third party in tweets

Kapansin-pansin din ang matalinhaga niyang “deny pa more” tweet noong kasagsagan ng bali-balitang mayroon diumanong third party sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Read: Ciara Sotto: Wow kapal! Deny pa more!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN