Former SexBomb member Sugar Mercado cries for help over legal battle with estranged husband

Sugar Mercado on child abuse complaint filed by her estranged husband: "Nagpahinga lang ng isang taon ang kaso ko, ako na yung makukulong at saka nanay ko?! Ako na yung makukulong at saka yung nanay ko dahil sa child abuse. Paano nangyari yun?! Paano nangyari yun, mga hayop kayo!"


Naghihinagpis ang dating SexBomb Dancer na si Sugar Mercado sa Facebok Live video na ipinost niya ngayong araw, July 7.

Ito ay kaugnay ng diumano'y pagkakabaligtad ng kasong isinampa niya laban sa kanyang asawa na si Kristofer Jay Go.

Matatandaang noong 2015 ay naghain si Sugar ng reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) laban sa kanyang asawa.

Read: Ex-SexBomb dancer Sugar Mercado files VAWC complaint against husband

Ngunit taliwas sa inaasahan niya ang naging desisyon ng korte at nangyayari sa kanya ngayon.

Sa two-minute video, inilabas ni Sugar ang kanyang sama ng loob dahil sa posibilidad na makulong sila ng ina niya sa reklamong child abuse na isinampa naman sa kanila ng dati niyang asawa.

Umiiyak na pahayag ni Sugar, “Humihingi ako ng tulong sa lahat. Kami ay makukulong ng nanay ko.

Diyos ko! Yung pera nila ang ginamit para kami ang makasuhan.

Ang sama-sama niyo! Ang sama-sama niyo! Ang sama-sama niyo! Ang sama-sama niyo!

Bakit kaya niyong gawin ito sa mga anak ko? Bakit kaya niyong gawin yun sa mga anak ko?

Pag mayaman, sila ang mananalo. Bakit ganun? Bakit ganun dito?!

Kapag mahirap… kapag mahirap lang, kahit ano na lang puwedeng gawin?”

Dagdag pa ng dancer-comedienne, “Nagpahinga lang ng isang taon ang kaso ko, ako na yung makukulong at saka nanay ko?!

Ako na yung makukulong at saka yung nanay ko dahil sa child abuse.

Paano nangyari yun?! Paano nangyari yun, mga hayop kayo!

Bakit niyo ginagawa ito sa amin? Ano pa ba ang kulang?

Pagkatapos ninyo akong babuyin, pagkatapos niyo gawin sa akin, sa mga anak ko, ako pa, ako pa ang may kasalanan! Hayop kayo!

Diyos ko, Panginoon, tulungan niyo ako! Diyos ko, tulungan niyo kami, para niyo nang awa.”

FIGHT CONTINUES. Bago siya mag-Facebook Live, nauna nang inilahad ni Sugar ang diumano'y pagbabago sa takbo ng reklamong child abuse na inihain ng kanyang asawa laban sa kanilang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng dating Eat Bulaga! dancer, “Malinaw sa original resolution ni Fiscal Lagasca, dismissed ang kaso ng child abuse laban sa amin.

Malinaw din ang kanyang original recommendation: sampahan ng 5 kaso sa paglabag sa RA 9262 ang aking dating asawa.

Pero binalewala ang mga rekomendasyon ni Fiscal Lagasca. Kami ngayon ng aking ina ang kinasuhan ng child abuse.

At sa gitna ng matibay na mga ebidensya dinismiss ang kaso namin para sa VAWC.”

Sa kabila nito, sabi ni Sugar, itutuloy pa rin niya ang laban para sa kanyang mga anak.

Hindi ako natatakot.

Haharapin ko lahat ng mga kasong isasampa nila laban sa akin.

Lalaban ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa mga anak ko.

Ipaglalaban ko ang hustisya na nararapat para sa akin bilang biktima ng pang-aabuso.

Baliktarin man nila ang mga pangyayari, gamitin man nila lahat ng kanilang pera, lalaban kami ng aking buong pamilya.”

Sa kanyang sumunod na post, sinabi ng dating SexBomb dancer na kailangan nila ng P160,000 para makalabas siya at kanyang ina sa kulungan.

Inulit din niyang hindi totoo ang reklamong child abuse na isinampa laban sa kanya.

“Pati buhay ko kaya kong ibigay sa mga anak ko lahat kaya kong gawin para sa mga anak ko!!! Childabuse ang linaw linaw na [d]i totoo !!!!

Sa lahat makukulong ako at lola ng anak ko ng wala kaming kasalanan!!!!”

Sa huli, sabi ni Sugar, “DYOS ko kayo na lang makakatulong samin ng mga anak at pamilya ko alam ko kaya nyo lahat panginoon tulungan nyo po kami.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang karagdagang pahayag na nais iparating ni Sugar o paglilinaw mula sa kampo ni Kristofer tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN