Alden Richards to Maine Mendoza: "Ikaw lang ang nag-iisang Maine Mendoza ng buhay ko."

Aside from performing a surprise dance number, Alden Richards gives Maine Mendoza a short but sweet message on her first anniversary celebration in showbiz.


“Ikaw lang ang nag-iisang Maine Mendoza ng buhay ko.”

Ito ang mensahe ni Alden Richards kay Maine Mendoza sa ginanap na first anniversary celebration ng huli bilang miyembro ng Eat Bulaga!

Sa live episode ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, July 9, sinorpresa rin ni Alden si Maine sa pamamagitan ng pagsayaw ng “Youth” ni Troye Sivan.

Sabi ni Alden pagkatapos ng kanyang production number, “Di ba yun ang favorite [song] mo, 'Youth?'”

Nakangiting sagot ni Maine, “May naaalala ako dun.”

Hindi na binanggit ni Maine kung bakit espesyal sa kanya ang naturang kanta.

Ngunit matatandaang “Youth” ang ginamit na kanta ni Maine sa paggawa ng video ng bakasyon nila ni Alden sa Boracay noong Marso.

READ: Maine Mendoza reveals detailed account of surprise Boracay trip with Alden Richards

Samantala, isa pang bahagi ng first anniversary celebration ni Maine, na may hashtag na #ALDUBMaineCelebration, ay ang duet nila ni Alden ng kantang "Somehere Only We Know."

Tila makahulugan din ang naturang kanta para sa phenomenal love team.

Nauna nilang inamin sa TV special ng pelikula nilang Imagine You And Me na mas naging malapit sila sa isa't isa pagkatapos ng kanilang shoot sa Italy.

READ: Alden Richards closer to Maine Mendoza after nursing her back to health in Italy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN