Aiko Melendez to bashers of her relationship with non-showbiz Persian BF: "Stop judging."

Aiko Melendez on negative feedback against her and boyfriend Shahin Alimirzapour: "I hate to assume but can they be not happy with their lives to be so mean??? I don't want to fight back either. Sweetest revenge is to live a good Life... :) God bless everyone."


Hindi na napigilang magbigay ng reaksiyon ni Aiko Melendez, 40, sa pambabatikos na natatanggap niya at ng kanyang Persian boyfriend na si Shahin Alimirzapour, 28.

Hindi man direktang binanggit ni Aiko ang pangalan ng nobyo, kapansin-pansing may ilang netizens na nag-iiwan ng negative comments sa Instagram photos nilang magkasintahan

May mga nagsasabing hindi raw tatagal ang kanilang relasyon dahil babaero raw si Shahin.

Buwelta ni Aiko sa kanyang Instagram post kahapon, July 8, “Some People can be so mean... But instead of saying things that I don't mean, I will pray for them as their hearts are full of bitterness and hate. #bashers #prayforthem

“I hate to assume but can they be not happy with their lives to be so mean???

“I don't want to fight back either. Sweetest revenge is to live a good Life... :) God bless everyone. Stop judging too...”

Minsan nang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na 12 years ang age gap sa pagitan ng magkasintahan.

Dito ay nilinaw ni Shahin na hindi isyu sa kanya ang age gap nila ni Aiko.

Paglalarawan pa ng binata sa mga katangiang minahal niya sa aktres, “I love it the way she accepted me, the way she is so humble with everybody.”

READ: Aiko Melendez confirms relationship with Persian businessman

APPROVAL FROM SON. Hindi maikakailang masaya si Aiko sa piling ng bagong nobyo.

Lalo pa't tila aprubado ng anak ni Aiko na si Andre Yllana ang pakikipagrelasyon ng aktres kay Shahin.

Base na rin ito sa Instagram posts ni Aiko kung saan makikitang madalas silang lumabas ng kasintahan kasama ang anak niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN