Barbie Forteza confirms dating status with Kiko Estrada

Nasa dating stage pa lang daw sina Barbie Forteza at Kiko Estrada. Tatlong buwan na raw silang lumalabas at sa ngayon ay hanggang doon lang muna ang kanilang relasyon.


Matapos ang pag-amin ni Kiko Estrada na nasa dating stage na sila ng kapwa Kapuso star na si Barbie Forteza, umamin na rin ang young actress na tatlong buwan na nga silang lumalabas.

Sa maiksing panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie sa launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2016, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, ngayong Lunes, sinabi ng Sunday PinaSaya star na nasa getting-to-know-each-other stage pa sila ni Kiko.

“Dating. Three months na kaming nagdi-date. Dating lang.

“Three months na kaming lumalabas, kasi nga we’re dating.”

Sa naunang panayam kay Kiko, sinabi nitong hindi pa siya sinasagot ni Barbie.

Read: Kiko Estrada admits to dating Barbie Forteza

May isa namang reporter na pabirong nagsabi kay Barbie kung napanood ba nito ang diumano’y video scandal ni Kiko.

Natatawang sagot nito, “Ay, bakit?! Bakit ganun? Dun na tayo agad?”

So, hindi pa niya napanood?

“Ay, meron ba? Meron ba?” tanong ulit ni Barbie.

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Kiko sa isang video scandal ngunit mariin itong pinabulaanan ng young actor.

Read: Kiko Estrada denies viral nude photo: 'Ang layo! Hindi ako 'yan!'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN