Luis Manzano refuses to give details about real score with Jessy Mendiola

Ayaw magdetalye ni Luis Manzano sa totoong estado nila ni Jessy Mendiola. Ang tangi lang nitong sinagot na tanong ng media ay ang tungkol sa kanilang pagdi-date. Hahanapan lang daw kasi siya ng mali ng mga tao sa social media kapag magbibigay pa siya ng anumang detalye.


Matapos ang ilang linggong usap-usapan, nagsalita na rin si Luis Manzano tungkol sa pagkakaugnay niya kay Jessy Mendiola.

Aminado siyang lumalabas nga sila ni Jessy, pero hanggang doon lang ang ibinigay niyang detalye.

Aniya, “Hindi kami puwedeng mag-deny kasi mayroon kaming pictures online.

“Napaka… ang weird naman noon kung idi-deny ko yun na may pictures online, kasi anything else gagamitin nila against me.

“Sabi nga, isa sa pinakabugbog na statement bawat hearing yung ‘I invoke my right against self-incrimination.’”

Sa mga naunang pahayag ni Luis, pinanindigan niyang huwag nang magbigay pa ng mahabang detalye ukol dito.

Read: Luis Manzano dismisses rumor linking him to Jessy Mendiola

Dagdag pa ng host ng Family Feud, “Sabi ko nga, e, anything I answer, hahanapan ng mali.

“Sumagot na nga ako dati, nahanapan ng mali, e, di tatahimik na lang ako.

“Sabi ko nga, kapag sumagot ako ng para sa press, naging mali pa ako.

“So, sabi ko, ang tao kasi ngayon ay naghahanap ng mali, e.

“It’s unfortunate that internet brings out all the cowards, hiding behind anonymity, so lahat ng tao naghahanap ng mali.

“It’s the unfortunate truth because negativity sells.

“So, para sa akin, kahit anong sagutin ko… kung ang tao na gusto akong saksakin, aabutan mo ba ng kutsilyo?

“So, hindi ko na ilagagay ang sarili ko sa alanganin.

“No matter what I say, hahanapan ako ng mali.

“I hope people will understand that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media ang TV host sa presscon ng bagong season ng ABS-CBN game show na Minute To Win It, kaninang tanghali, July 11.

Ginanap ang presscon sa Studio 4 ng ABS-CBN kung saan nagkaroon din patikim na laro para sa press.

Mapapanood ang show simula sa Lunes, July 18, bago mag-TV Patrol.

LUIS, MATULIS? Kinaiingitan naman marahil ngayon ng maraming kalalakihan si Luis dahil ang tatlong babaeng nauugnay sa pangalan niya ay nahirang na FHM sexiest women—sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, at Jessy Mendiola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkataon nga lang ba ito?

Sabi ng 35-year-old Kapamilya TV host, “I don't want to limit women to titles nor statistics, napaka-unfair naman sa kanila nun, parang de-numero lang.

“Yes, it's a prestigious title being hailed as the nation’s sexiest.

“Pero kapag ni-refer na sa akin, parang putting them as statistics, and that's very unfair to all the ladies out there.

“Basta parang ang pangit lang na statistics lang ang kababaihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN