Kris Aquino meets with ABS-CBN execs for her TV comeback

Pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga, nakatakdang magbalik sa telebisyon ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Nakikipagpulong pa si Kris sa executives ng ABS-CBN para sa kanyang proyektong gagawin sa network.


Kasalukuyang nasa meeting ngayong araw, July 12, sa ABS-CBN ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Marahil, pinaplantsa na ng ABS-CBN management at ni Kris ang proyekto para sa pagbabalik-telebisyon ng TV host-actress.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Kris ang pakikipagpulong niya sa executives ng Kapamilya network.

Sabi niya, “On my way to the meeting for my return to TV.

“Please PRAY with me that whatever will happen & whatever road I'll travel is God's best path for me.”

Matatandaang bago pa bumalik si Kris sa Pilipinas, mula sa halos dalawang buwang wellness vacation sa Amerika, sinabi na ng kanyang matalik na kaibigan na si Boy Abunda na patuloy pa rin ang pag-uusap sa pagitan ni Kris at ng ABS-CBN sa proyektong gagawin nito matapos magpaalam sa ere ang Kris TV.

Pinabulaanan din ni Boy na limang taon ang hiniling na panibagong kontrata ni Kris sa istasyon ngunit hindi raw ito pinagbigyan.

Read: Boy Abunda: 'Kris Aquino and ABS-CBN are talking.'

Ikinagulat naman ng marami ang paglabas ni Kris sa morning show ni Marian Rivera sa GMA Network na ‘Yan Ang Morning, na umere noong July 1.

Ngunit paglilinaw ni Kris, matagal na niyang ipinangako ito sa kanyang mga inaanak sa kasal na sina Marian at Dingdong Dantes.

Read: Why will Kris Aquino guest on GMA-7 show Yan ang Morning?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN