Melai Cantiveros on relationship with husband Jason Francisco: "Walang makakatibag sa amin!"


Ayon kay Melai Cantiveros, okey na sila ngayon ng mister niyang si Jason Francisco pagkatapos ng problemang pinagdaanan nila.

Sa katunayan, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa finale press conference ng We Will Survive kagabi, July 11, sinabi ni Melai na mas naging matatag pa ang pagsasama nila ngayon.

Saad niya, “Siyempre, magiging matatag ka talaga.

“Wala naman kasing perfect na relasyon, pagdadaanan niyo talaga yung mga ganyang bagay at saka mangingibabaw ang pagmamahalan niyo diyan, e.

“Kaya imposible sa isang relasyon na wala kayong away kasi doon niyo mate-test na talagang mahal na mahal niyo yung isa't isa.”

Matatandaang noong huling linggo ng Mayo ay inamin nina Melai at Jason na may mabigat na pinagdaanan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Read: Melason admits marital problem; denies separation

Matapos ang ilang araw naman ay nagkaayos na rin ang dalawa nang sila ay mag-dinner date, na pinost nila sa kanilang Instagram.

Read: Melai Cantiveros and Jason Francisco overcome marital problem

PRIORITIES. Sinabi naman ni Melai mas natuto na siyang ayusin ang kanyang priorities matapos ang pinagdaana nilang pagsubok ni Jason.

Aniya, “Ang natutunan ko is kailangan mo talagang i-balance yung time mo para mabigyan mo ng time yung family mo at saka work mo.

“Kung ano yung priority mo, kailangan mo talagang isipin.

“Kasi kung mas priority mo yung work, huwag ka na mag-family.

“Kung mas priority mo [ang] family, e, di mag family ka.

“So, pili-pili ka lang din talaga kung ano yung tatanggapin mo para maka-serve ka pa sa family mo.”

Ano ang mas pinili niyang i-prioritize?

Biro ng 28-year-old comedienne, “Ang mga presscon. Charing!

“Hindi, na-balance ko, e. Ang lesson kasi is paano ko na-balance. Thank you, Lord.”

Pagpapatunay pa ng kanyang co-star na si Pokwang, madalas daw ay nakikita niyang nagpu-post sina Melai at Jason ng kanilang bonding moments sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Melai, “Para mabigyan talaga ng time ang isa't isa.

“Kumbaga, alam mo yung mga small na pinagdaanan.

“Pero kailangan mong sagutin kasi matagal na namang issue. Kailangan mong sagutin para manahimik na rin.”

Dito ay nilinaw na rin ni Melai na hindi niya hahayaang maghiwalay sila ng kanyang asawa.

Sabi niya, “Ay, walang ganoon na pangyayari.

“At saka kung aabot sa ganun, hindi puwede, kasi asawa ko siya, e. No, no way.

“Talagang ii-stick ko ang sarili ko kasi sumumpa ako sa Panginoon, at mahal na mahal ko naman yung pamilya ko.

“Walang makakatibag sa amin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN