Jessy Mendiola vindicated after being named FHM Sexiest Woman?


Ayaw isipin ni Jessy Mendiola na tila isang higanti sa kanyang bashers ang pagkapanalo niya sa annual poll na FHM 100 Sexiest Women sa Pilipinas.

“Vindicated? That's a very strong word,” nakangiting sabi ni Jessy nang makausap siya ng ilang piling miyembro ng media sa launch ng FHM 100 Sexiest Women ngayong araw, July 12.

Patuloy niya, “I think more of self love.

“I mean, when I got all the hate comments and all the bashing...

Then, FHM told me that I'm number one and the people who voted for me, I think it's about time we welcome something different.

I mean, we always look at sexy as something like being this or being that, looking like this or looking like that.

Para sa akin, it's nice that someone like me, who is very curvy, won to represent a different kind of sexy naman.

Like last year, Jen [Jennylyn Mercado] won, she represents all the hot mommas out there.

“I think there are other types of sexy and hindi nila nakikita 'yon.

So, not vindicated, I'm just very, very grateful.”

ACCEPTING YOURSELF. Bukod sa physical appearance, malaking tulong din daw sa pakiramdam ng pagiging sexy ang pagtanggap niya sa kanyang sarili.

Paliwanag ni Jessy, “I think it's the journey of accepting myself finally.

“How I look, no matter what my size is, when people come up to me and say, 'Hey, you're so sexy,' it feels unreal.

Kapag sinasabihan nila ako ng “Ang sexy mo,' 'Talaga? Why?'

It's the way you carry yourself. Hindi lang siguro siya personal appearance.

Like most of us, lagi nating sinasabi, 'Ang sexy niya.' Oo, sexy physically, pero I think it's still about the personality and how you carry it.

I think that's sexy, when you know yourself and you know that you are strong enough to stand up for something.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng kasiyahan sa pagkakatanghal sa kanyang bilang bagong Sexiest Pinay, alam din daw ni Jessy na isa rin itong responsibilidad.

For me, winning this is a perfect venue to send a message na, kumbaga, being sexy is not only one look.

Kumbaga, let's all be healthy. Let's all be the better versions of ourselves.

Kumbaga, tayo lang naman talaga ang makakatingin ng sexy sa atin.

“Yung iba, maniniwala lang sila na sexy ka kung yun ang susundin mo, na sexy ka.”

Diin pa niya, “So, yeah, it's a big responsibility kasi you're a role model, e.

“They see you as someone to look up to.”

SUPPORTIVE MOM. Samantala, todo naman daw ang suporta ng ina ni Jessy na si Didith Garvida sa kanyang bagong titulo.

Sabi ng Kapamilya actress, “Well, yung mommy ko kasi, ever since, very supportive.

Ever since, palagi siyang nandiyan kung saan ako masaya, kung saan ako kumportable sa gagawin ko.

So, with being sexy and trying to be fit, palagi siyang supportive, 'Kaya mo 'yan, go ka lang.'

Siya pa nga ang nagsasabi na, 'Mag-swimsuit ka sa beach. Huwag kang masyadong mahiya.' Ganun si Mommy.”

Higit sa lahat, nagpapasalamat si Jessy sa kanyang ina dahil sa pagtatanggol nito sa kanya laban sa bashers sa social media.

Supportive siya, yun lang naman ang masasabi ko sa mommy ko.

Thankful ako na may mommy akong katulad niya, kasi siya rin sumasagot sa bashers ko kapag naiinis siya.

Hindi na baleng ma-bash siya, basta huwag lang ako.”

Read: Jessy Mendiola's mom hits back at bashers: 'Dami n'yo problema. Di mag-FHM kayo!'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN