Duterte appointees Arnell Ignacio, Kat de Castro respond to criticisms


Ilang kilalang personalidad at solidong supporters ni President Rodrigo Duterte ang itinalaga sa ilang government positions; kagaya nina Arnell Ignacio, Kat de Castro, at Jimmy Bondoc.

Si Arnell ay inatasang maging assistant vice president o AVP for Community Relation and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Read: Arnell Ignacio appointed AVP of PAGCOR by President Rodrigo Duterte

Ang travel show host na si Kat ay itinalaga naman bilang Department of Tourism undersecretary.

Read: Duterte supporter Kat de Castro assumes post as DOT undersecretary

Si Jimmy naman ay itinalagang AVP for Entertainment ng PAGCOR.

REPONSE TO CRITICISMS. Subalit may ilang netizens ang hindi pabor at kumukuwestiyon sa pagbibigay ng posisyon ni Pangulong Duterte sa mga celebrity na ito sa government offices.

Si Jimmy ay nag-post sa kanyang Twitter account ng mahabang paliwanag at pagdepensa sa sarili sa mga nagdududa sa kanyang kakayahang magsilbi sa pamahalaan.

Read: Jimmy Bondoc is the newly-appointed AVP for Entertainment for PAGCOR

Katulad ni Jimmy na malumanay ang pagtanggap sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kapasidad, positibong pagtanggap at pagsagot ang ginawa nina Kat at Arnell sa kanilang mga kritiko.

Noong Biyernes, July 8, nag-post ng Facebook message ang anak ni dating Vice President Noli de Castro para sa kanyang mga kaibigan na nakatatanggap ng hindi magagandang komento tungkol sa kanyang DOT post.

Mensahe sa kanila ni Kat: “Dear friends....

“A lot of people will say negative things. Most of them are strangers. They don't know me and have never worked with me.

“I don't need you to send me screenshots of such comments because I trust that you know me better than them.”

Sabi pa ni Kat, hindi na bago sa kanya ang pagkakaroon ng mga kritiko.

“Sa totoo lang, sanay naman ako. I've been in this industry long enough.

“Let me just work peacefully and make you, my dear friends, proud.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comments section ng nasabing post, may nag-post ng hindi magandang komento ng isang netizen tungkol kay Kat at iba pang mga celebrity na sumusuporta kay Duterte.

Sagot ni Kat dito, entitled ang sinuman sa kanyang opinyon.

Sa comment section naman sa isang Facebook post ni Arnell, isang netizen ang nagsabing hindi niya matanggap ang pagkakatalaga sa comedian at game-show host bilang opisyal ng PAGCOR.

Sagot dito ni Arnell: “Gusto ko rin naman malaman kung bakit ka naloloka para rin naman malinawan ako sa pananaw mo.”

Hindi na sumagot ang nasabing netizen.

Ipinagtanggol naman si Arniel ng kanyang mga supporters at kaibigan.

Pero diin ni ng host, gusto niyang marinig ang paliwanag ng nasabing kritiko upang makapagpaliwanag siya.

“Baka may point o nambubuska lang, hahahaha,” ani Arniel.

Sundot pa niya, “Bigyan natin ng chance para patas din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN