Jessy Mendiola reacts to rumor linking her to Ian Veneracion

IMAGE Instagram photo of FHM Philippines (Jessy)

"Sana yung mga tao mag-mellow down naman sa mga malicious issues," says Jessy Mendiola about latest rumor linking her to fellow Kapamilya actor Ian Veneracion.


Nais ni Jessy na matigil na ang usap-usapan tungkol sa pagkaka-link niya sa aktor na si Ian Veneracion.

Ilang tabloid reports kasi ang lumabas kamakailan na nagsasabing hiwalay na ang The Achy Breaky Hearts actor sa kanyang non-showbiz wife.

Itinuturo diumanong dahilan ng kanilang hiwalayan ang itinanghal na FHM Sexiest Woman for 2016.

Dahil dito, hindi naiwasang matanong si Jessy tungkol dito sa press conference na inihanda para sa kanya ng FHM Philippines noong July 12.

Tugon ni Jessy, “Ano bang masasabi ko dun?

“Sinong hindi magugulat? Kayo, nagulat kayo, di ba?"

Pero hindi na raw ito bago kay Jessy dahil madalas siyang nadadamay sa “malicious issues” sa showbiz.

Sa kabila nito, nakiusap naman ang 23-year-old actress na itigil na ang ganitong klase ng intriga, lalo pa't ang inili-link sa kanya ngayon ay may asawa na.

“Sana naman tigilan na nila yung mga ganun kasi may pamilya yun, e.

“Sana yung mga tao mag-mellow down naman sa mga malicious issues,” sabi ni Jessy.

Bukod pa rito, inamin na rin ng Kapamilya actress na nakikipag-date siya ngayon sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Read: Jessy Mendiola finally opens up about relationship with Luis Manzano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN