Jessy Mendiola finally opens up about relationship with Luis Manzano

IMAGE Jessy Mendiola's Instagram account


Umamin na rin si Jessy Mendiola sa dating status nila ni Luis Manzano matapos malaman na nagsalita na rin tungkol dito ang TV host-actor sa presscon nito kahapon, July 11.

Inamin ni Luis na nagdi-date nga sila ni Jessy ngunit hindi na siya nagbigay ng detalye tungkol dito.

Read: Luis Manzano refuses to give details about real score with Jessy Mendiola

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jessy ngayong araw, July 12, sa presscon na inihanda para sa kanya dahil sa pagkakahirang niya bilang FHM Sexiest Woman for 2016.

“A, talaga?” tila nagulat na reaksiyon ng Kapamilya actress nang sabihin sa kanya ang pag-amin ni Luis.

Inakala pa nga ng press na hindi siya handa sa ginawang pag-amin ni Luis, pero agad niyang nilinaw na wala itong problema sa kanya.

“Ay, hindi… okey lang,” sambit niya.

LONG HISTORY. Ayon kay Jessy, matagal na silang magkaibigan ni Luis.

“Ang tagal-tagal na niyan, dati pa.

“Pag nag-a-ASAP ako, lagi siyang nangangamusta.

“So, palagi kaming naglolokohan as friends.

“Siya yung tipong friend na ang tagal-tagal mong hindi nakikita, pero kapag nag-uusap kayo about life, ang dami ninyong napag-uusapan, nagka-catch up kayo.

“So, siya yun.

“Naging mas close kami, of course, not-so-good incident sa…

“Huwag na nating pag-usapan yun,” putol ni Jessy sa sarili.

Ngunit malinaw na ang tinutukoy niya ay ang kontrobersiyal na airport incident nila ni Enrique Gil.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sabi pa ng aktres tungkol kay Luis, “Nangangamusta siya from time to time, kasi alam niya kung gaano ako ka-depress nong mga panahong yun. Pero as a friend talaga.

“So, siyempre, alam naman natin na how things turned out unexpectedly, so I guess, naging ganun na lang yun.”

START OF COURTSHIP. Kailan officially nanligaw sa kanya si Luis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ni Jessy, “Iniisip ko, parang May [2016].”

Hindi naman masagot ni Jessy ang tanong ng media kung ano ang reaksiyon niya nang unang magparamdam si Luis na gusto siyang ligawan nito.

Sabi pa niya, “Alam niyo, it’s so weird, kasi hindi ko rin siya ma-outline.

“Kasi ang nangyari, parang eto na lang siya, naging ganito na lang siya.

“Kunwari, kung tatanungin ninyo ako or siya, hindi din namin talaga alam kung paano nangyari, basta naging ganito na lang siya.”

Isa raw sa pagpaparamdam ni Luis sa kanya ay ang pagpapadala nito ng bulaklak nang minsan siyang pumunta sa Boracay.

Hindi naman masagot nang diretso ni Jessy kung may patutunguhan ba ang panliligaw sa kanya ni Luis, at kung handa na ba siyang pumasok sa panibagong pag-ibig matapos tuluyang magwakas ang relasyon nila ni JM de Guzman.

Sabi niya, “We’ll see.”

LUIS’S HISTORY. Tinanong din si Jessy kung aware ba siya na hindi gaanong nagtatagal ang mga relasyon ni Luis, gaya ng kina Angel Locsin at Jennylyn Mercado.

Sa kaso nina Luis at Angel, nag-break sila at nagkabalikan, ngunit hindi rin nagtagal at nag-break sila ulit.

Sabi ni Jessy tungkol dito, “Ay, hindi ako aware. Dapat ba akong maging aware?”

Hindi ba siya nag-aalala na kung sakaling maging sila ni Luis ay hindi rin sila magtagal?

Tugon niya, “Things happen, good and bad.

“So, if that happens, e, di okey. Kung hindi, e, di good.

“Kumbaga, kasi ako, I’ve been a worrier growing up. Ngayon ko lang…

“Kasabay nga ng winning the sexiest [Pinay], kasabay siya, yung pati ko mind ko na-mold into something you have to accept the way things are.

“Kumbaga, things happen for a reason.

“Maybe you do not know now why, but you will eventually.

“Everything happens for a reason.”

Sa interview ni Luis sa programang Tonight With Boy Abunda, ipinagtanggol nito si Jessy laban sa bashers na nagsasabing ito raw ang third party sa hiwalayan nila ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangingiting komento ni Jessy tungkol dito, “Naku, dapat namang talagang sabihin niya yun ano, kasi totoo naman.

“Parang… grabe naman, I wouldn’t ruin a relationship.

“Kapag nangyari yun sa akin, baka magpakamatay na lang ako.

“Pero hindi talaga, and thank you sa kanya na sinabi niya yun.”

Sa presscon proper ay nagbitiw ng salita si Jessy na “any girl would be lucky to have him” patungkol kay Luis.

Pero sabi naman ng press, kung masuwerte si Jessy kay Luis, mas masuwerte raw ang TV host-actor dahil ang mga nagugustuhan nito ay itinatanghal na FHM Sexiest Woman, gaya nilang tatlo nina Angel at Jennylyn.

“Iba, iba siya!” natatawang biro ni Jessy.

Ano nga ba ang mayroon kay Luis at itinuturing ni Jessy na suwerte ang sinumang babaeng makakasama nito?

Tugon niya, “Well, obviously he’s very mature.

“He’s a gentleman, such a gentleman, and very kind-hearted.

“Lahat ng nakakakilala kay Luis, sobrang bait niyang tao.

“Siya yung tipong lahat ng tao pagbubuksan niya ng pinto.

“At igi-greet niya from good morning, good afternoon to good evening.”

Kinikilig ba siya sa mga gesture na ito ni Luis?

“Oo naman,” tila nahihiyang sagot ni Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN