Ruru Madrid defends Gabbi Garcia from prima donna issue; willing to wait for courtship

IMAGE Noel Orsal (Ruru) / James Patrick Anarcon (GabRu)

Ruru Madrid defends Gabbi Garcia from the prima donna issue she faced months ago. According to Ruru, "Kilala ko po si Gab, hindi po siya ganoon. Ayoko po na masabi ng mga tao na ganoon si Gab dahil alam naman po natin na kung ano po yung makita ng mga tao, ayun na po yung tatanggapin nila sa sarili nila, tatak sa kanila."


Ipinagtanggol ni Ruru Madrid ang kanyang ka-love team at close friend na si Gabbi Garcia tungkol sa prima donna issue na kinaharap ng huli nitong Mayo.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang media reporters ang GabRu love team sa press conference ng Encantadia noong Miyerkules, July 13, ay kinumusta sila kung ano na ang nangyari sa nasabing isyu.

Pabirong sinabi ni Ruru, “Ako nga, hindi ko siya sinasaktan, e!

“Lagi ko pong sinasabi sa kanya na kahit anong mangyari, never akong mawawala sa tabi niya."

Pinatunayan naman ito ni Gabbi at sinabing tinatawagan siya gabi-gabi ni Ruru noong panahong lumabas ang naturang isyu.

Matatandaang inakusahan bilang prima donna noon si Gabbi nang may magreklamong grupo ng dancers na ayaw raw makasabay ng teen actress sa van pauwi mula sa isang event na ginanap sa Bataan.

Read: Gabbi Garcia's camp cries foul over prima donna accusation

Para ipagtanggol ang kaibigan, diumano'y minessage ni Ruru sa Facebook ang taong naglabas ng isyu.

Kuwento ng young actor, “Actually, noong time na kumalat yun, familiar kasi sa mukha noong [guy].

“Nag-message po ako sa kanya thru FB [Facebok]. Sinabi ko sa kanya na hindi po ganyan yung pagkakakilala ko kay Gab.

“Kasi siyempre kilala ko po si Gab, hindi po siya ganoon.

“Ayoko po na masabi ng mga tao na ganoon si Gab dahil alam naman po natin na kung ano po yung makita ng mga tao, ayun na po yung tatanggapin nila sa sarili nila, tatak sa kanila.”

Sinagot naman ba siya ng taong tinutukoy niya?

Natatawang sagot ni Ruru, “Hindi. Sineenzone ako.”

GABRU COMEBACK. Sa kabilang banda, masaya sina Gabbi at Ruru dahil muli silang nagkatambal sa Encantadia.

Bago ang pinagsamahan nilang two-week series na Naku, Boss Ko! noong Abril ay pansamantalang naghiwalay ang GabRu loveteam ng anim na buwan, pagkatapos nilang ginawa ang primetime series na Let The Love Begin na nagwakas noong August 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ruru, “Kasi for the last six months, hindi kami.

“Before Naku, Boss Ko!, as in hindi na kami magka-love team. Medyo nakakalungkot.”

Pabiro pa niyang sinabi, “Feeling ko may iba na siyang ka-text.

“Medyo may pain pa rin, e! Hindi, joke lang po yun.”

Subalit kahit hindi man sila magkatambal, hindi naman daw nawala ang closeness nilang dalawa at patuloy pa rin silang lumalabas.

Sabi ni Ruru, “Kami po ni Gab, kahit na noong time na hindi kami magkatrabaho, never po kaming nakalimutan magkamustahan, never naming nakalimutan mag-bonding, like mag-sine.

“Kasi ayaw naming sirain yung friendship na nabuo namin.”

Ayon naman kay Gabbi, lubos na natuwa ang kanilang fans nang malamang sila uli ang magkatambal sa Encantadia.

Sabi ng 17-year-old actress, "Siyempre yung fans namin, tuwang-tuwa sila and sabay naming natupad yung pangarap namin na makabilang sa isang remarkable show, which is Encantadia.”

COURTSHIP STAGE. Dahil sa kanilang closeness ay inusisa na rin kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ayon sa dalawa, magkaibigan lang talaga sila at hindi nila masabi na "exclusively dating" ang kanilang status.

Saad ni Ruru, “Kaibigan po talaga. Hindi namin masabing dating yun kasi lagi kaming may kasama, like yung ate niya, kasama niya dad niya, kasama ko minsan family ko.”

Sa hiwalay naman na panayam sa dalawa, diretsahan silang tinanong kung sila na ba talaga.

Sagot ni Gabbi, “Wala pa.”

Biro naman ni Ruru, “Bakit mo idine-deny? Hindi, joke lang!

“Seventeen pa lang po siya, e. At saka marami pa pong priorities na kailangan naming gawin.”

Sa December 2 ay mag-e-eighteen years old na si Gabbi, kaya natanong siya kung okay lang ba sa kanyang si Ruru ang kanyang maging first boyfriend.

Sagot niya, “Okay naman.”

Singit ni Ruru, “Parang nakakapagtampo naman kung hindi, di ba?

“Kami na yung laging magkasama tapos iba pa yung pipiliin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong naman ni Gabbi sa ka-love team, “Ikaw, okay lang ba sa 'yo?”

Tugon ni Ruru sa kanya, “Ang tagal ko na ngang naghihintay sa 'yo, e!”

Dahil dito ay tinanong sila ng press na baka naman "nang-e-echos" lang sila.

Paglilinaw naman ni Gabbi, “Alam ko naman pag sincere yung sinasabi nya, in fairness naman sa kanya.”

Subalit handa bang maghintay si Ruru hanggang sa panahong puwede na niyang ligawan ang ka-love team?

Sagot ng 18-year-old actor, “Basta ako naman, hihintayin ko po talaga hanggang pwede na. Kahit 50 years!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN