Zsa Zsa Padilla to take a short hiatus from showbiz

IMAGE Noel Orsal

Magti-take ng maiksing break mula sa showbiz ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla "to clear my mind with the hope that it helps heal my heart, body and soul."


Sandali munang tatalikuran ni Zsa Zsa Padilla ang mundo ng showbiz.

Sa pamamagitan ng Instagram kahapon, July 14, inanunsiyo ng Divine Diva na magkakaroon muna siya ng short break mula sa showbiz para sa kanyang tinatawag na healing process.

Sabi ng 52-year-old Kapamilya star, “I will be on a short hiatus to clear my mind with the hope that it helps heal my heart, body and soul.

“I wish you peace. I wish you love. I wish you all things true, good and beautiful.
See you soon. Peace out.”

Sa huling panayam ng media kay Zsa Zsa nitong nakaraang Mayo, sinabi nitong kasalukuyan pa siyang nagpapagaling mula sa pagtatapos ng relasyon nila ng arkitektong si Conrad Onglao.

Aniya, “I'm healing. I'm in the process of healing.”

Read: Zsa Zsa Padilla in the process of healing after breakup with Conrad Onglao


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN