Cai Cortez marries foreigner boyfriend in a civil ceremony

IMAGE Courtesy of Francis Perez

Cai Cortez is now a married woman! The comedienne tied the knot with her foreigner boyfriend in a civil ceremony officiated by Manila Mayor Joseph Estrada.


Ikinasal na ang comedienne na si Cai Cortez sa kanyang foreigner boyfriend na nagngangalang Wissem Rkhami, ngayong Biyernes ng hapon, July 15.

Ginanap ang kasal nila sa Manila City Hall, kung saan mismong si dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada ang nag-officiate ng kanilang pag-iisang dibdib.

Si Cai ay anak ng veteran actor na si Rez Cortez.

Ibinahagi ng professional photographer na si Francis Perez ang ilang kuha mula sa kasal nina Cacai at Wissem sa kanyang Facebook account.

Si Cai ay kilala sa kanyang pagganap sa comedy at romantic-comedy films gaya ng Here Comes The Bride, Ang Babae Sa Septic Tank, My Amnesia Girl, Beauty in A Bottle, English Only Please, at ang kasalukuyang palabas na Imagine You and Me.

Naging kontrobersiyal kamakailan si Cai dahil sa pagbubunyag niya sa radio show ni DJ Mo Twister kung sino sa mga male celebrity ang nagkaroon siya ng sexual encounter.

Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN