Ciara Sotto, sister defend dad Tito Sotto amid controversial victim-shaming issue

IMAGE Photo from Instagram (@purpleluxe)

Sen. Tito Sotto's daughters Apples and Ciara take to social media to defend their dad from critics amid controversial victim-shaming issue


Ipinagtanggol si Sen. Tito Sotto ng kanyang mga anak, ang panganay na si Apples at ang bunsong anak na si Ciara, hinggil sa isyung kinasangkutan ng senador matapos siyang umani ng batikos dahil sa panghihiya umano niya sa isang contestant na naging biktima ng pang-aabuso sa Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga! noong July 9.

Kaugnay ng insidente, ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng Eat Bulaga! sa isang pagpupulong sa darating na July 21, 2016.

READ: MTRCB summons Eat Bulaga! execs over Sen. Tito Sotto's 'victim-shaming'

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ng mga pahayag si Apples upang ipagtanggol ang kanyang ama.

Sa unang post niya, inilahad nito na sa panahon ng pagsubok, nalalaman daw niya ang mga tunay na nagmamalasakit sa ama, mga kamag-anak man daw o kaibigan.

During times like this, I see who truly and sincerely has true concern and support for my dad and our family.

Whether relatives or 'supposed friends,' it becomes clearer who will be there to defend and support during frustrating times and who are there only when things are going well, or worse, when they need something.

Not that I am looking for them, it just gets clearer and clearer.”

A photo posted by purpleluxe (@purpleluxe) on

Sa kanyang sumunod na post, ipinost naman ni Apples ang isang quote na naglalarawan umano sa kanyang ama.

Work hard in silence, let success make all the noise.”

My Tatay ????????

A photo posted by purpleluxe (@purpleluxe) on

Binatikos naman niya ang mga basher ng ama sa kanyang ikatlong post at tinawag ang mga ito na “KSP” o kulang sa pansin.

Binanggit pa ni Apples ang 16 milyong Pilipino na naniniwala sa kanyang ama.

????????????????

A photo posted by purpleluxe (@purpleluxe) on

Nitong nakaraang May 9 elections, pumangatlo si Senator Tito sa senatorial race at nakakuha ng 16.8 million votes.

Ni-repost naman ni Ciara ang ikatlong Instagram post ng kanyang ate.

Sa caption niya, pareho sila ng sentimyento ng kanyang ate tungkol sa mga kritiko ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comments section naman, pinasalamatan ni Ciara ang mga netizens na nagpahayag ng pagsuporta sa ama sa kabila ng isyu.

Same sentiments! #Repost @purpleluxe with @repostapp ??? ????????????????

A photo posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on

Samantala, sa post ng isa pang kapatid ni Ciara na si Lala, ayon sa quote ng kanyang post, “Silence is the best response to a fool.”

????????????

A photo posted by Diorella Antonio (@dior.snow) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN