Jay-R Siaboc appeals to youth to steer clear of illegal drugs

IMAGE Photo grabbed from Rated K

Former Pinoy Dream Academy runner-up Jay-R Siaboc opens up about what led him to use illegal drugs. Despite his setback, he plans to give his showbiz career another chance


Nagsalita si Jay-R Siaboc, first runner-up ng Pinoy Dream Academy, sa Rated K nitong Linggo, July 17, at inilahad ang kanyang kuwento tungkol sa paggamit ng bawal na gamot.

Sumuko sa mga awtoridad ng Toledo, Cebu City, ang dating singer-actor noong Huwebes, July 13, upang linisin ang kanyang pangalan, matapos lumutang ang mga kwento sa social media na isa umano siyang drug pusher.

Read: Ex-PDA singer Jay-R Siaboc surrenders to police for drug use

Gayunpaman, inamin ni Jay-R na gumamit siya ng ilegal na droga, na inamin din niya sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez para sa Rated K.

Shabu raw ang kanyang ginamit.

Sa simula ng interview sa singer, inamin niya ang pagkakaroon ng mga maling desisyon, kagaya ng paggamit ng bawal na gamot.

Yun nga po ang sinasabi ko na nagkakaroon ako ng mali-maling desisyon,” na naging dahilan daw upang mapabayaan ang kanyang karera.

Nangyari pa nga po sa 'kin, yung ibang shows ko, hindi ko na nababalikan kaya humihingi po ulit ako ng sorry sa mga ganun.”

Nagbalik-tanaw din si Jay-R kung paano siya niloko ng kanyang dating manager.

Aniya, inosente raw siya nang mapadpad sa Maynila at nang sumali sa reality-based singing contest ng ABS-CBN.

Ipinaubaya umano niya lahat sa kanyang manager, dahilan upang maloko ito pagdating sa usapang pera.

May paalala rin si Jay-R sa mga kabataan ngayong pagdating sa paggamit ng droga.

Payo niya, “Masasabi ko lang sa mga teenagers, mga bata ngayon, huwag na huwag niyo po subukang gumamit [ng illegal drugs].

Pagka may nag-alok sa inyo, mga barkada niyo, huwag niyo na po talagang umpisahan kasi totoo pong mahirap tumigil.

Tsaka marami pong tao na madadamay, lalung-lalo na po yung buhay niyo, talagang sinisira niyo lang talaga pagka subukan niyong gumamit.”

Humihingi rin ang singer ng isa pang pagkakataon sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala si Jay-R nang maging runner sa PDA noong 2006, kung saan si Yeng Constantino ang siyang hinirang na winner.

Nakagawa rin siya ng ilang teleserye at TV projects kagaya ng Palos (2008), Komiks Presents: Kapitan Boom (2008), at Agimat series noong 2009 at 2011.

Si Jay-R din ang nagpasikat ng mga kantang “Hiling” at “May Tama Rin Ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN