Regine Velasquez reacts to Jaya's transfer to ABS-CBN

IMAGE Nerisa Almo

This is what Regine Velasquez-Alcasid told good friend Jaya about the latter's network transfer: "'I'm so happy for you. Blessing 'yan, mare."


Masaya raw si Regine Velasquez para sa kanyang kaibigang si Jaya sa paglipat nito sa ABS-CBN.

Sa ginanap na launch ng kanyang Bongga sa Kusina cookbook, pahapyaw na tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) si Regine tungkol sa balitang paglipat ni Jaya sa kalabang network ng GMA-7.

Ayon kay Regine, sinabi sa kanya ni Jaya ang tungkol sa kanyang paglipat.

“She texted me about it. And I'm happy for her. That's okay.”

Dagdag pa niya, noon pa raw sana ito. Ngunit hindi ito nangyari agad dahil ginagawa pa nila ang katatapos lamang na teleseryeng Poor Senorita.

Ani Regine, “I'm happy that she's there.

You know, kumare ko 'yon. Nakakatawa nga kasi she didn't have to do it, na to let me know, but she did it anyways because she has so much respect for me.

“I told her lang, 'I'm so happy for you. Blessing 'yan, mare.'”

Matagal nagkasama sina Regine at Jaya sa Sunday musical-variety shows ng GMA-7 na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Unang araw ng trabaho ni Jaya sa ABS-CBN noong Biyernes, July 15, kung saan ipinakilala siya bilang isa sa celebrity judges ng singing talent search segment ng It's Showtime, ang “Tawag ng Tanghalan.”

Sa kanyang unang paglabas sa ABS-CBN noontime show, sinabi ni Jaya, “I'm just so excited to be here on ABS-CBN. I'm excited to start my new life here.”

Read: Is Jaya now a Kapamilya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN