Jessy Mendiola cries foul over Angel Locsin's statement about her and Luis Manzano

IMAGE @senorita_jessy / @therealangellocsin

Jessy Mendiola on Angel Locsin alluding to third party in breakup with Luis Manzano: "Huwag nila ako isasali. At huwag niya akong isasali kasi alam niya sa puso niya na hindi yun totoo."


Tila inalmahan ni Jessy Mendiola ang patutsada ni Angel Locsin tungkol sa pakikipag-date niya kay Luis Manzano.

Kaugnay ito ng pag-amin ni Angel ng kanyang disgusto sa namumuong relasyon sa pagitan nina Luis at Jessy.

Hindi rin kasi pinabulaanan ni Angel ang espekulasyong third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Luis.

Read: Angel Locsin on Luis-Jessy romance: 'Kung ine-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!'

Buwelta ni Jessy: “Para sa akin, malinis ang konsensiya ko, malinis ang puso ko.

“I would never ever destroy a relationship.

“So, problema na nila yun kung gusto nila mag-usap about it or anything or clear anything with each other.

“I think that’s their problem. Pero huwag nila ako isasali.

“At huwag niya akong isasali kasi alam niya sa puso niya na hindi yun totoo.”

Base ito sa panayam ng ABS-CBN News kay Jessy sa sidelines ng story conference ng pelikulang Extra Service, na ginanap noong Linggo, Hulyo 17.

ON LUIS'S COURTSHIP. Iginiit din ni Jessy na wala siyang kinalaman sa hiwalayan nina Luis at Angel nitong umpisa ng taong 2016.

“You know, honestly, if it were true, I wouldn’t be here right now facing you guys.

“For me, it was clear that they broke up already when Luis started courting me.

“And babae ako, it happened to me before. I wouldn’t do that to any other girl.”

Hindi napigilan ng 23-year-old Kapamilya actress na maging emosyunal sa gitna ng akusasyong mang-aagaw siya ng karelasyon ng iba.

“It hurts kapag sinasabi nila—[for] lack of better term—ahas ka.

“Wala lang, kasi labas ako sa kanila and what happened between the two of them.”

Ganting-sagot pa ni Jessy, “So, yung amin, I think dapat labas na rin siya dun.

“Di ba, ganun naman yun?”

INSTAGRAM TAKEOVER. Samantala, inamin ni Jessy na ginamit ni Luis ang kanyang Instagram account noong Sabado, Hulyo 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang TV host-actor daw ang nagkusa na i-block ang bashers na nagbabato ng masasakit na salita laban sa kanya.

Kuwento ni Jessy, “Actually, si Luis kasi, he kept on calling me and texting me, saying sorry about what’s happening right now.

“What he did was he asked for my Instagram password.

“And then he took over my account and then he blocked them one by one for me.”


Sabi pa ni Jessy tungkol sa pag-aalala ni Luis sa kanya, “So, alam kasi niya [Luis] na masakit kapag ganun.

“Alam mo naman na hindi yun totoo, tapos yun ang sinasabi ng ibang tao. Hindi naman nila alam yung true story.”

Sa huli, ito na lang ang nasabi ni Jessy hinggil sa binitiwang salita ni Angel patungkol sa kanya at kay Luis:

“I've gone through worse with bashers and haters. But this one’s just… especially coming from her.

“What she said was like really cherry on top.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN