Angel Locsin on Luis-Jessy romance: "Kung ine-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!"

IMAGE Instagram (@senorita_jessy) / Screengrab from ABS-CBN (Angel)

Angel Locsin chooses to keep mum about the romance happening between ex-boyfriend Luis Manzano and Jessy Mendiola. She said, "Wala akong magandang masabi so hindi na lang ako magsasalita."


Nagbigay na ng kanyang saloobin si Angel Locsin tungkol sa napapabalitang pagde-date ngayon ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano at kapwa nila Kapamilya star na si Jessy Mendiola.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa story conference ng bago niyang pelikulang The Third Party kahapon, July 15, tila hindi kumportable ang aktres na sumagot tungkol sa nasabing isyu.

Subalit sabi niya, “Wala naman akong itatago sa inyo, e.”

Pansin din daw niyang maingay nga ang naglalabasang mga balita tungkol sa paglabas-labas nina Luis at Jessy.

Natatawang sabi ni Angel, “Ano ba ire-react ko? Nandoon na sila sa ganoong buhay so nandito naman ako sa buhay ko, di ba?

“Wala akong magandang masabi so hindi na lang ako magsasalita.

“Kung ini-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!”

Ayon kay Angel, inasahan na niyang darating ang oras na aamin sina Luis at Jessy tungkol sa namamagitan sa kanila.

Dagdag pa ng 31-year-old actress, “May proseso kasi 'yan, siguro binabalanse lang nila kung paano nila aaminin, di ba?

“Pero buhay na nila yun, e. Iba rin ako.”

Nang tanungin tungkol sa sinabi ni Luis na walang third party sa breakup nila, ito lang ang naging sagot ni Angel: “Kung anong sinabi niya. Lagi namang ganoon, e.

“Kung anong sinabi niya, e, di yun na 'yon.

“Kayo? Ano sa tingin niyo?”

Sa ngayon ay hindi pa sinasabi nina Angel at Luis ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Unang nag-react si Angel tungkol sa napabalitang pagdi-date nina Jessy at Luis sa pamamagitan ng Instagram noong Hunyo.

Ito ay nang may nag-tag sa kanya sa isang meme tungkol kina Jessy at Luis.

Bagama’t nagpasalamat sa concern ng netizen, sinabi ni Angel na tigilan na ang pangba-bash.

Read: Angel Locsin reacts to Luis Manzano-Jessy Mendiola dating rumors

Noong Lunes, July 11, sa press conference ng Minute to Win It, ay umamin naman si Luis na nagdi-date nga sila ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa TV host-actor, hindi naman nila ito maide-deny dahil may mga larawang naglalabasan online.

Read: Luis Manzano refuses to give details about real score with Jessy Mendiola

Sinabi naman ni Jessy sa press conference ng FHM noong Martes, July 12, na nagsimulang manligaw si Luis sa kanya bandang May 2016.

Read: Jessy Mendiola finally opens up about relationship with Luis Manzano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN