GMA Network explains why Polo Ravales was not included in Encantadia requel

IMAGE Polo Ravales's Facebook account

Nilinaw ng pamunuan ng GMA Network ang naging pahayag ng dating exclusive talent nilang si Polo Ravales kaugnay ng pag-alis niya sa dating home network. Ipinaliwanag din ng GMA-7 kung bakit hindi kasama sa cast ng Encantadia requel ang aktor.


Sinagot na ng pamunuan ng GMA Network ang mga naging pahayag ng dating Kapuso talent na si Polo Ravales.

Nagpadala ang writer na ito ng mensahe sa Kapuso network, sa pamamagitan ng vice president ng Corporate Affairs and Communications na si Ms. Angel Javier-Cruz, upang kunin ang kanilang panig kaugnay ng mga sinabi ni Polo sa artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 16.

Matatandaang naglabas ng kanyang hinaing aktor kaugnay ng pag-alis niya sa poder ng GMA-7.

Partikular na nabanggit ni Polo sa naturang artikulo ang pangalan ng senior vice president ng network na si Ms. Lilybeth G. Rasonable, na kinausap daw ng aktor bago niya tinanggap ang offer ng kabilang network.

Read: Polo Ravales airs grievance over GMA-7's 'freeze' treatment

Sa pamamagitan ng statement na ipinadala ni Ms. Javier-Cruz sa amin, nilinaw ni Ms. Rasonable ang ilang mga isyung inilabas ni Polo.

Ayon sa GMA Network, “The exclusive contract of Polo Ravales expired last August 19, 2013.

“Since then, he has been a freelance actor. He is free and able to work in any TV station.”

Sinabi rin ni Polo sa panayam niya sa PEP na humingi siya kay Ms. Rasonable ng role sa anumang teleserye na nababagay sa kanya.

Pero umabot daw sa buwan ang kanyang paghihintay at walang naibigay na proyekto sa kanya.

Pahayag ng GMA Network tungkol dito, “Rasonable noted that when there is a role that suits him in a particular GMA program, the producers still include him in the cast even if he is not under an exclusive contract with the Network.”

Sinabi rin ni Polo sa interview niya sa PEP na kinausap niya si Mas. Rasonable kung maaari siyang maisama sa cast ng requel ng Encantadia.

Sa original Encantadia noong 2005 ay ginampanan ni Polo ang papel bilang Hitano, na ginagampanan ngayon ni Pancho Magno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sinabi raw sa kanya ng GMA executive na walang dating cast member ang mapapabilang sa bagong version.

Pero nagulat daw si Polo nang malaman niyang kasama sa Encantadia requel ang dating co-stars niyang sina Dingdong Dantes (bilang Prinsipe Raquim) at Sunshine Dizon (bilang Adhara).

Paglilinaw ng GMA Network tungkol dito, “Rasonable told Ravales that the producers were not keen on casting artists in the same role as before.

“GMA included award-winning artists Dingdong Dantes and Sunshine Dizon in the requel BUT in different and very special roles.

“If in case Ravales was not offered any role in the requel, it only means that he was not shortlisted or considered for any of the roles.

“In the end, it is the prerogative of the Network and its producers to cast whom they think is best fit for the roles in any given series.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN