Julie Anne San Jose says there's no bad blood with Glaiza de Castro

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose on Benjamin Alves-Glaiza de Castro foiled romance: "I think yung mga nangyari po before and yung past, it really doesn't matter to me. Ang importante okey naman kami. What's important is kung ano yung ngayon."


Nilinaw ni Julie Anne San Jose na hindi isyu sa kanila ni Glaiza de Castro ang pagkakaugnay ng una kay Benjamin Alves.

Read: Julie Anne San Jose on Benjamin Alves: "I like him."

Hindi kaila sa publiko na si Glaiza ang huling napabalitang niligawan ni Benjamin, hanggang sa maudlot ang pagkakamabutihan ng dalawa ilang buwan na ang nakararaan.

Pahayag ni Julie Anne, “Yeah, we’re good.

“I’m actually aware of it kasi may mga nagta-tag din po sa akin.

“We’re totally okay. She even guested sa Sunday PinaSaya.”

Ayon pa kay Julie Anne, nagpansinan sila ni Glaiza nang magkita sila noong Linggong iyon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters ang singer-actress sa presscon ng bago niyang album, ang Chasing The Light.

Ginanap ito sa 17th Floor GMA Network Center, Martes ng tanghali, July 21.

Pinag-awayan ba nila ni Glaiza si Benjamin?

Mabilis na sagot ni Julie Anne, “Naku, hindi po!”

Paliwanag pa ng 22-year-old Kapuso star, “I think yung mga nangyari po before and yung past, it really doesn’t matter to me.

“Ang importante, okey naman kami.

“What’s important is kung ano yung ngayon.”

Sa panayam ng PEP noong May 24, nagpahiwatig si Benjamin na hindi umabot sa pagiging magkasintahan ang relasyon nila ni Glaiza.

June 17 naman nang ihayag ni Glaiza na kinalaunan ay hindi sila nag-click ng Kapuso actor.

Read: Glaiza De Castro on real score with Benjamin Alves: "Hindi nag-swak. Hindi nag-click."

Nito lang July 18 ay nabanggit ni Glaiza na sa pagkakaalam niya ay matagal nang may gusto si Benjamin kay Julie Anne.

Read: Glaiza De Castro reacts to Benjamin-Julie Anne rumored romance


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN