Jaya confirms she is now a Kapamilya

IMAGE Photo grabbed from Tonight With Boy Abunda

Jaya on transferring to ABS-CBN: "Just like a child, sometimes you want to grow up, break from what you're so used to doing and fly."


Nagsalita na si Jaya tungkol sa kanyang paglipat sa ABS-CBN sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda, nitong Miyerkules ng gabi, July 20.

Marami ang nagtatanong kung Kapamilya na nga ba ang Queen of Soul simula nang mapanood siya bilang judge sa "Tawag ng Tanghalan" ng It’s Showtime noong nakaraang linggo.

Read: Is Jaya now a Kapamilya?

“Right now, I am a Kapamilya. I would have to say ito po ay kagagawan ng Panginoong Diyos,” sagot ng singer nang tanungin ng host na si Boy Abunda.

Sabi pa ni Jaya, “Parang nagkaroon ng 20-year period of change, pero parang naibalik lang ako kung saan ako nakatungtong noon.”

Nagpasalamat din si Jaya sa talent management arm na Cornerstone, na nagma-manage ngayon ng kanyang career.

Pag-amin pa niya, “I think there was a period in my career, in my life, that was pretty dark, talagang madilim and mabigat, and I just said I’ll handle all these with a smile.”

Sinabi raw niya sa kanyang sarili, “Huwag kang masyadong maramdamin, huwag mong dibdibin. Lahat ng mangyayari sa 'yo is all of God’s plan.”

Malaki ang pasasalamat ni Jaya kay Erik Santos, na talent din ng Cornerstone, gayundin kay Kyla na dati ring Kapuso singer at lumipat sa ABS-CBN.

Nang banggitin ni Boy na isa na siyang Kapamilya, biro ni Jaya, “Yiiihiii, sarap!”

Bukod sa pagiging hurado sa "Tawag ng Tanghalan", may plano rin daw mag-perform si Jaya sa ASAP.

Bago magtapos ang interview, nagbigay ng pahayag si Jaya sa lahat ng mga nagtatanong sa kanyang paglipat.

“Just like a child, sometimes you want to grow up, break from what you’re so used to doing and fly.

“And for me, flying now and doing this with ABS-CBN is something that I know God has planned for me, so please don’t get upset.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tanggapin po natin na lahat tayo kailangang gawin yung mga desisyon na ang nakasalalay po, e, kabuhayan namin.

“May mga anak po ako. Di ko po ito ginawa for selfish reasons.

“I know that God brought me here and I have to abide by that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN