Senator Tito Sotto to attend dialogue with MTRCB over 'victim-shaming' allegation

IMAGE Noel Orsal

"They should watch the episode, not the edited version on FB. Pag in-edit mo, puwede mo talaga pasamain. But it's not true," says Sen. Tito Sotto about his controversial statement in Eat Bulaga!, which has become viral on social media.


Handa raw dumalo si Senator Tito Sotto sa gagawing dialogue sa pagitan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Television and Production Exponents (TAPE), Inc., ang producer ng Eat Bulaga!

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Sen. Sotto na sa kanyang pagdalo ay itatanong niya sa MTRCB kung ang mga complainant ay hinihingan din ng paliwanag sa kanilang reklamo.

“I will attend sa dialogue ng MTRCB. We will explain and we will ask them what's wrong.

“First thing na itatanong ko sa MTRCB, when there are complaints, don't you ask the complainant to come and explain what their complaint and what is the reason for their complaint,” sabi niya.

Matatandaang ipinatawag ng MTRCB ang producers ng Eat Bulaga! dahil sa reklamong natanggap nila patungkol sa July 9 episode ng Kapuso noontime show.

Nakapukaw ng atensiyon ang reaksiyon ni Sen. Sotto sa nangyari sa “Sugod Bahay” winner na si Katrina Conde, isang single parent.

Nakuwento kasi ni Conde na minsang nag-take advantage sa kanya ang isang kainumang lalaki.

Ito raw ang naging dahilan ng pagkagalit sa kanya ng asawa, na nauwi sa kanilang paghihiwalay.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Sotto, “Ang may kasalanan ng lahat na iyan ay yung pag-inom. Yung pa-shot-shot.

“Kababae mong tao, pa-shot-shot ka.”

Tinanong din niya kung ano ang suot ni Conde nang mangyari ang insidente.

Nang sabihin niyang naka-shorts siya, nagkomento ang isa pang Eat Bulaga! host na si Jose Manalo.

Sabi niya, “Hindi tama 'yon. Umiinom ka na, naka-shorts ka pa,” sabay itinaas niya ang kanyang pantalon para ipakita kung gaano kaiksi ang shorts na tinutukoy ni Conde.

Read: MTRCB summons Eat Bulaga! execs over Sen. Tito Sotto's 'victim-shaming

Depensa naman Sen. Sotto, “taken out of context” ang kanyang naging pahayag sa programa.

Sa kanyang naging sagot sa pagtuligsa ng Philippine Commision on Women, sabi ng TV host-politician, “What I was looking at really was there should be a preservation of institution of marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When you're married, you act like a married man or a married woman.”

Dagdag pa niya, nag-iba na rin daw ang dating ng kanyang pahayag sa mga lumabas na video sa social media.

They should watch the episode, not the edited version on FB.

“Pag in-edit mo, puwede mo talaga pasamain. But it's not true.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN