Jessy Mendiola's mom hits back at bashers anew: "It's time to accept it, she is beautiful."

IMAGE Anj Sampayan

Patuloy pa rin sa kanyang pagdepensa si Didith Garvida sa anak na si Jessy Mendiola. Hindi nito pinapalampas ang mga birada ng bashers tungkol sa panliligaw ni Luis Manzano sa hanggang sa pagiging Sexiest Woman ng anak sa FHM.


Hindi pa rin nagpapaawat sa pagsagot sa mga basher ang ina ni Jessy Mendiola na si Didith Garvida.

Bawat birada ng haters sa anak ay kanyang sinasalag sa pamamagitan ng pagpatol sa mga ito sa social media.

Minsan pa nga, ginagamit ng ina ni Jessy ang hashtag na #mapagpatoldaylovingitportion.

Sa Instagram, isang dedicated page ang ginawa ng tila hater ni Jessy na may handlename na @getalifepo.

Dito nakalagay ang maraming batikos tungkol sa Kapamilya actress.

Sa isang post, ibinahagi nito ang mga sagot ng ina ng aktres sa isang basher at pinansin ang maling grammar nito.

Sagot naman dito ni Mrs. Garvida, hindi siya perpektong tao.

Ipinagtanggol din niya ang napapabalitang panliligaw ni Luis Manzano at pagiging FHM Sexiest Woman ni Jessy ngayong taon.


Sa kasunod niyang sagot sa basher, na may pangalang @forever_luckyjess, kinondena ng ina ni Jessy ang pagkaladkad sa pangalan ng anak sa iba’t ibang lalaki, kabilang na ang isang Mr. Lopez.


“JESSY IS NOT SHAKEN.” Sa kasunod pang post, sinabi ni Mrs. Garvida na hindi nababahala si Jessy sa anumang ibinabato sa kanyang intriga.


THE DELETED COMMENTS. Nitong nakaraang Sabado, July 16, nag-take over si Luis sa Instagram account ni Jessy upang i-block isa-isa ang mga basher na nagkomento sa mga post ng aktres.

Binura rin daw ng TV host-actor ang mga hindi kaaya-ayang mga komento laban sa kanya.

Pero na-screenshot ng Instagram user na si @getalifepo ang ibang comments bago pa ito mabura ni Luis.

Narito ang ilan sa kanila:

Yan pa #jessymendiola ????????????. Daming nega ano. #luismanzano

A photo posted by Be True (@getalifepo) on

Ito pa #jessymendiola ???????????? basa basa din pag may time. Malandi ka daw. #luismanzano

A photo posted by Be True (@getalifepo) on

Dami pa girl. #jessymendiola marami ka yatang na disappoint. #luismanzano

A photo posted by Be True (@getalifepo) on

Nagsimulang ma-bash si Jessy ng netizens pagkatapos magsalita ni Angel Locsin tungkol sa napapabalitang relasyon ng una sa ex-boyfriend niyang si Luis.

Read: Angel Locsin on Luis-Jessy romance: 'Kung ine-enjoy nila yung moment na yun, e, di good job!'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN