DJ Durano finally opens up about his relationship with the late Wenn Deramas

IMAGE Jojo Gabinete

DJ Durano: "Not for anything, hindi ko naman sinasabi na ginusto ko yung kamatayan ni Direk Wenn. Baka maiba na naman. God is so good to me kasi hangga't nandiyan si Direk Wenn… hindi ko naman sinasabi, baka maiba. I will always carry that burden na nakadikit ako sa kanyang pangalan."


Minahal mo ba siya?

“Oo, sobra!” ito ang walang paliguy-ligoy na sagot ni DJ Durano nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa relasyon nila ng pumanaw na direktor na si Wenn Deramas.

Unang inamin ni Direk Wenn noong September 2013 ang 10-year relationship nila ni DJ, na isa sa mga most-read story ng PEP.

Pero hindi nagsalita ang aktor tungkol dito.

Read: Director Wenn Deramas finally reveals 10-year relationship with actor DJ Durano

Kahapon, July 21, sa pagpirma niya ng five-year exclusive contract sa Viva Artists Agency,  nagsalita sa unang pagkakataon si DJ tungkol sa naging relasyon nila ni Direk Wenn, na mababasa rin sa autobiography book ng yumaong direktor, ang Direk 2 Da Poynt.

Pahayag ni DJ, “Marami ang nagsasabi sa akin.

“Alam ko naman yun. Wala akong magagawa. Let’s leave at that.

“Tutal, anupaman ang sabihin ko, it won’t matter naman. Walang magma-matter.

“Direk Wenn is resting na.”

MISSING DIREK WENN. Aminado si DJ na nami-miss niya si Direk Wenn.

“Ngayon na nga lang naa-appreciate ng mga tao yung mga gawa ni Direk.

“Kung papanoorin mo, akala mo baduy, pero kung hihimayin mo siya, ang ganda ng social [relevance].

“Nakaka-miss si Direk Wenn, pati ang trabaho, ang bilis.

“Hindi lugi ang producer sa kanya.”

Sabi pa ng aktor, “Nakapagpaalam ako sa kanya nang maayos. We were good.

“I was there nung iniembalsamo siya.

“Ako lang ang nagbantay na mag-isa. Walang gustong… I was there.”

Bagamat naghiwalay raw sila bago pa man pumanaw si Direk Wenn ay nananatili pa rin silang magkaibigan, lingid sa kaalaman ng marami.

Saad ni DJ, “Hindi na nga ako nagpakita kasi palaging nami-misinterpret ako.

“Alam mo yung lagi kang… siyempre, ie-explain mo talaga kung ano yung nangyari.

“Sa kanila, trabaho pa rin ang iniisip ko. Sabi ko, hindi.

“Ang sinasabi ko, may gagawin kami ni Direk Wenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was explaining na may gagawin kami, as in okey kami.

“Iba ang interpretation nila. Ang iniisip ko raw, trabaho.

“I was explaining, ang iniisip niyo lagi na hindi kami nag-uusap. Hindi pa kami okey [since the breakup].”

Pero giit niya, “Okey kami. Nagla-lunch pa nga kami sa bahay.

“Okey kami, hindi lang ako nagpapakita [in public].”

PURE LOVE. Inilarawan ni DJ ang naging ugnayan nila ni Direk Wenn bilang ‘pure love.’

“Napaka-pure kasi. Wala siyang…

“Alam mo na siya ang tutulong sa ‘yo. He made something out of that.

“Ako naman, lagi kong sinasabi, ni-revive niya yung career ko.

“I was vocal, kaya lang, laging nalalagyan ng malisya.

“Pagdating sa newspaper, naiiba.

“Bakit ganoon na, malisyoso na? ‘Direk, naging dyowa ni…’ Haaa?

“Pagdating sa girlfriend ko, aawayin ako ng girlfriend ko, ‘Ano naman yung sinasabi? Hindi ka ba naaano sa akin?’

“Sabi ko, ‘I never said that.’

“I was just grateful to a person, and people are trying to milk their way out of our ano…”

THE BREAKUP. Isiniwalat din ni DJ na siya ang nakipagkalas kay Direk Wenn.

“Ako ang nakipaghiwalay. Ayokong manggamit.

“Na-in love ako doon sa isa [his girlfriend].

“Ito ako, e. I said, ayoko… ayoko naman na may pagmamahal sa akin yung isang tao, tapos niloloko ko siya.

“Sabihin ko sa kanya, 'Ayoko na talaga. Sayang ito, aalis na lang ako.'

“Actually, kailangan ko pa ng pera noon. I need money.

“Sabi niya, ‘Sige.’

“Tahimik siya, pero siyempre, dinibdib niya yun.

“Ang dami niyang sinabi noon, pero tahimik lang ako.

“The best thing na ginawa ko, I just kept quiet, kasi huhupa ‘yan, e.

“Lumamig, naging okey kami. Time heals all wounds, e.”

Patuloy ni DJ, “Not for anything, hindi ko naman sinasabi na ginusto ko yung kamatayan ni Direk Wenn. Baka maiba na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“God is so good to me kasi hangga’t nandiyan si Direk Wenn… hindi ko naman sinasabi, baka maiba.

“I will always carry that burden na nakadikit ako sa kanyang pangalan.

“Up to the last minute, inano niya yung gusto ko, ‘Alis na ako dahil you’ll never take the stigma hangga’t andito ako.’”

Ikinuwento rin ni DJ ang huling pagkikita nila ni Direk Wenn.

“Huling pagkikita namin, niyakap niya ako, two weeks before he died.

“Niyakap niya ako nang mahigpit.

“The day I said yes to Direk Wenn at sumama ako sa mga pelikula niya, it was not about him, it’s about me.

“I was ready for anything. It made me a better person.”

EXPECTATIONS. Pagkatapos nito ay sinabi ng aktor ang mga dahilan ng desisyon niyang ipamahala sa Viva Artists Agency ang kanyang career.

Saad ni DJ, “I decided na mas maganda na may mother studio ka.

“At sila [Viva] naman ang nagbigay ng biggest break sa akin sa movies.

“Mga Moron 5, Praybeyt Benjamin… Viva made me an actor sa movies, so why not sign up with them?”

Dagdag pa niya, “Marami akong ini-expect sa Viva. Marami kaming dapat gawin.

“Parang kailangan uli natin na patawanin ang tao.

“Nawala yun, e. I mean, sinu-sino ang grupo na yun?

“Let’s face it, may ano kami sa tao…

“Marami ang nagtatanong sa akin, ‘Wala ka na ba gagawin?’

“Kasi nasanay na nga sila na for ilang years, I was the only person doing three movies a year, and all of them were comedies.

“To a point na people were scrutinizing my capabilities, until they see sa TV na I was delivering the goods.

“Kahit hindi si Direk Wenn ang direktor, they were telling na Direk Wenn has a hand na, definitely, wala naman.”

THE PARTNERSHIP. Nilinaw rin ni DJ na bagamat marami silang proyektong pinagsamahan ni Direk Wenn, mayroon din naman siyang mga ginawa na hindi ang yumaong direktor ang nagdirek o sumulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I had so many projects without Direk Wenn.

“It was unfair, but I have to live with that because Direk Wenn was my mentor, manager before.

“Wala nang papalit kay Direk Wenn. I’m sorry, pero wala talaga.

“Wala akong nakikita, yung brilliance.”

Kuwento pa ni DJ, “Actually, not for anything, alam ito ni Direk Wenn…

“Ever since, kahit tanungin mo yung mga barkada niya, lahat ng movies ni Direk Wenn, kami ang nag-uusap about the story.

“So, half ng story, half ng utak ni Direk Wenn sa mga blockbuster niya, I was telling him lahat ng jokes.

“Kami ang nag-uusap.”

VICE GANDA. Ibinahagi rin ni DJ na malaki ang partisipasyon niya sa pagkuha ni Direk Wenn kay Vice sa pelikula noon.

“I was even instrumental in getting Vice Ganda na hindi ko sinabi.

“Pinilit ko si Direk Wenn, ‘Kunin mo si Vice.’

“Hindi pa sikat si Vice, ikinu-consider pa lang siya sa Apat Dapat.

“Sabi niya, ‘Tingin mo kay Vice? Ayoko, e.’

“Sabi ko, ‘Direk, please kunin mo, nakakatawa ‘to.’

“Napapanood namin si Vice ng kapatid ko kasi mahilig kami pumunta sa mga comedy bar.

“Tapos, pinalapit namin siya kay Boss Vic [del Rosario, Viva big boss], nag-enjoy siya.

“Kami talaga ng kapatid ko ang nag-ano kay Vice.”

DIRECTORIAL CAREER. May balak din ba siya magdirek balang-araw?

Ayon kay DJ, “Marami na ang nagsabi sa akin na magdirek.

“Eventually, kasi nandoon yung… pagsusulat ko.

“I write scripts on the set. Kaya ko nang gumawa, e.

“Actually, pati yung trabaho ni Direk Wenn sa kamera, alam ko, more than Allan Chaliangco [Wenn’s assistant director], kasi I was with him all the way.

“Kapag may naisip ako, eventually, I could ask Boss Vic, like, do a movie, puwedeng comedy.

“Naiintindihan ko yung sistema, naiintindihan ko yung galaw ng camera.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN