Luis Manzano engages in another Instagram spat with bashers over half-nude photo post

IMAGE @luckymanzano on Instagram

Muli na namang pinatulan ni Luis Manzano ang mga nagmamagaling daw na bashers na nagkomento sa isa niyang post sa kanyang Instagram account. Sabi ni Luis noon, tao din lang daw siya na hindi puwedeng magbingi-bingihan na lamang sa mga pambabatikos sa kanya ng netizens.


Tulad ng kanyang pag-amin na papatol talaga siya sa mga bashers, muli na namang nakipagsagutan ang TV host na si Luis Manzano sa kanyang mga haters sa Instagram.

Read: Luis Manzano admits to being patola to bashers: 'Bakit hindi? Pare-pareho tayong tao.'

Nagsimula ito sa isang post ng The Voice Kids host noong Biyernes, July 22.

Sa naturang post, ibinahagi ni Luis sa kanyang mga Instagram followers ang photo collage ng kanyang larawang kuha noong 2013 para sa Cosmopolitan 69 Bachelors.

Katabi naman niya ang isang larawan ng kanyang fan na may handlename na @sirjack_argota.

Sa comments section, nagpaabot pa ng kanyang pasasalamat si Jack na napansin siya ni Luis.


BASTOS? Ilan sa mga bashers na sinagot ni Luis ay ang mga nag-akusa sa kanyang bastos daw ang kanyang post.




May isa namang tila nagpahiwatig na parang ipinahiya daw ni Luis ang naturang fan dahil may cleft lip ito.


Pero, paliwanag ng Minute To Win It host, si Jack mismo ang nagpost nito at ni-repost lang niya sa kanyang account.



Narito ang original post ni @sirjack_argota.

Luis and Jack ???? ???????? #Cosmopolitan????????????????

A photo posted by Sir Jack Show (@sirjack_argota) on

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Luis sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong gabi, July 24, wala naman daw siyang komento tungkol dito at natawa na lamang siya sa mga nagmamagaling sa social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN