Alden Richards on Maine Mendoza: "We treasure the moments we have off cam."

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards says he has no term of endearment for Maine Mendoza, but he is fond of calling her "Menggay...kasi mas cute!"


Consistent sa pagsasabi si Alden Richards na mas pinahahalagan niya ang “off 1cam” moments nila ng kalahati ng phenomenal tandem ng MaiDen na si Maine Mendoza.

“Like we always say, we treasure the moments that we have off cam. Yun yung most memorable moment ko [with her],” sagot ni Alden sa tanong tungkol sa most memorable moment niya kasama si Maine.

Base ito sa #AskAlden kung saan pinaunlakan ng Kapuso actor-TV host ang mga katanungan ng kanyang fans sa pamamagitan ng Twitter videos, Linggo ng gabi, July 24.

Kung mayroon mang isang bagay na pinagkakasunduan nila, yun ay ang pagiging makulit nila, mapaharap man o likod ng kamera.

“May times ako [mas makulit]. Pero most of the time siya talaga. Yung tipong wala ka sa mood pero ‘pag kinulit ka niya matatawa ka. Pero suiguro pantay lang [kami].”

Ayon pa kay Alden, magaling sa paghanda ng sorpresa si Maine.

“Oo, mahilig sa surprises ‘yan, e. Well, yes [na-surprise na niya ako]. Yung gift niya sa akin nung birthday ko sa Eat Bulaga! It was a surprise,” saad ni Alden.

Hindi man direktang binanggit ng Alden, matatandaang ginawan siya ni Maine ng Mainebow cake para sa kanyang 24th birthday noong Enero.

Binigyan din siya ng dalaga ng isang frying pan na may lamang personal letter.

Read: Alden Richards cries over surprise birthday celebration

May term of endearment ba siya para kay Maine?

Nakangiting sagot ni Alden, “Wala naman. Pero I call her Menggay most of the time. Yun kasi mas cute!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN