Karla Estrada happy about KathNiel's exclusive status

IMAGE James Patrick Anarcon (Karla) / Noel Orsal (KathNiel)

Karla Estrada is happy about son Daniel Padilla and loveteam partner Kathryn Bernardo's "exclusive" status. She said, "Ang importante, nakikita kong naghihilahan sila pataas."


Masaya si Karla Estrada sa ginawang pag-amin ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ng ka-love team nitong si Kathryn Bernardo na sila ay exclusive para sa isa't isa.

Ayon sa 39-year-old actress-TV host, naniniwala siyang ang magandang pagsasama ng magka-love nteam, lalo na ngayon at mas nagkakaintindihan na sila, ay nakakatulong sa kanilang trabaho.

Saad niya, “Bongga naman yun, kasi minsan nakakatulong yun sa trabaho, e.

“Nagkakaintindihan kayo at kayong dalawa, hanggang kayong dalawa ang magkasama sa trabaho.

“Minsan kasi pag meron kang ini-entertain na iba, tapos hindi nakakaunawa kung anong klaseng trabaho meron ka, dun yun nakakagulo, e.

“So ako, happy ako. Ang importante, nakikita kong naghihilahan sila pataas.

“Maganda pag marinig mo sila nag-usap, yung mga plano, ano sila... maluwag, chill.”

Sabi pa ni Karla sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa set ng kanyang sitcom na Funny Ka, Pare Ko, kaninang tanghali, July 25, wala siyang pangingialam na ginawa sa pag-amin nina Daniel at Kathryn sa estado ng kanilang relasyon.

Aniya, “Si Daniel, gusto ko kasi tumibay ang buto-buto niya kaya, ever since, hindi ko talaga [pinakialaman].

“Lalaki kasi, hindi mo puwedeng sabihing, 'Anak, sa akin ka makinig.'

“Pagbibigyan mo siya, magkamali man siya diyan, okay lang sa akin yun para sa pagkakamali dagdag ng tibay yun bilang tao.”

Matatandaang nitong Hulyo lang umamin sina Daniel at Kathryn na sila ay exclusive sa isa't isa.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are 'exclusive' for each other

Samantala, natanong din si Karla kung handa ba siya kung sakaling biglang mabigyan siya agad ng apo ng kanyang anak.

Sagot ng Kapamilya star, “Hiyang-hiya naman ako dahil ako, bente nang nanganak!

“Masasabi mo lang kung handa ka o hindi pag nandiyan na sa harapan mo.

“Siyempre ngayon, kapag sinabi mo sa akin, parang hindi pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung nandiyan na, kilala naman namin ang pamilya namin, walang problema sa amin 'yan.”

Subalit nilinaw rin naman ng Magandang Buhay host na wala sa pagkatao ni Daniel ang pagiging mapusok.

“Si Daniel kasi ano 'yan, e, conservative.

“Mas pilyo pa yung isa ko, yung sumunod, si Carlito.

“Si Daniel, di mo maririnig yun.

“Ayaw niya na yung mga kapatid niyang babae na humahalakhak na parang yung nanay niya, na parang wala nang bukas. Ayaw maigsi ang damit."

Subalit kahit ano pa raw ang mangyari o mga magiging desisyon ni Daniel ay susuportahan niya ito.

“Pero kung ganoon pa man, ano man ang mangyari, nandito pa rin ako, susuportahan ko 100 percent.

“Walang questions, no questions at all, katulad ng pagtulong at pag-alaga niya sa pamilya namin nang no questions.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN