Lovi Poe on breakup with Rocco Nacino: "I'm always the problem."

IMAGE Noel Orsal

"I feel like hindi pa ako buo as an individual. We had to work on ourselves talaga. I'm always the problem," says Lovi Poe about her breakup with Rocco Nacino.


“Happily beating. It's still beating.”

Ito ang nakangiting sagot ni Lovi Poe nang kumustahin ng entertainment reporters ang lagay ng kanyang puso.

Kamakailan lang kasi ay kinumpirma ni Rocco Nacino ang matagal nang usap-usapang break na sila ni Lovi pagkatapos ng dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.

Read: Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe

Subalit katulad ng aktor, umiwas ding magbigay ng detalye si Lovi kung ano ang naging dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon.

Pahayag ng Kapuso actress, “It's just that we have a very good relationship.

“Tapos, after two years of love and happiness, I guess it's just time for us to grow separately, as individuals.

“I think we're still actually too young to carry that kind of relationship that we have.”

Dagdag pa ni Lovi, “Actually, we were very relaxed, we took care of each other, very supportive kami.

“It's just that we're too young to lead to something more than that.

“So, siguro we have to make ourselves grow us a person first.

“I have to be more woman, he has to more of a man.

“Marami pa kaming kailangang madiskubre sa sarili namin.”

Gayunman, para kay Lovi, si Rocco ay pinaka-“nice” na lalaking nakarelasyon niya.

“Rocco is a really good guy, very ideal naman talaga.

“It's just that, ako, bilang isang tao, I feel like hindi pa ako buo as an individual.

“We had to work on ourselves talaga. I'm always the problem.”

Kaya naman siguro katulad ni Rocco, hindi rin madali para kay Lovi ang mag-move on.

Saad niya, “Of course, every time naman a relationship ends, nakakalungkot naman talaga,.

“It's a process naman, e. I think when it comes to breakups, you never really fully know how to cope.

“Then, I guess there's only one way, it's to move forward.”

Paano kung dumating ang panahong muli silang magkaroon ng pagtingin para sa isa't isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Lovi, “If it happens in the future, kung mangyaring we meet again, it's gonna happen.

“If it doesn't, then, I guess it's just not meant to be.

“So, whatever happens in the future, we don't know naman.”

Bagamat naghiwalay na sila, sabi ni Lovi, “I will always treasure what I had with my past relationship. I will never forget that.

“He will always be close to my heart and special to me. I learned a lot from our relationship.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Lovi matapos siyang pumirma ng panibagong three-year contract sa GMA Network nitong Martes, July 26.

ENJOYING SINGLE LIFE. Sa ngayon, gusto lang daw muna ni Lovi na mag-enjoy bilang single.

“I think, right now, what I really wanna do is focus on myself since marami pa naman akong gustong gawin.”

Pero hindi naman naiwasang maintriga si Lovi sa kasama niyang foreigner sa isang Instagram post.

Happy birthday, @iamchrisjohnson !???????????? bientt!???? #MerciPoeCoup

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on

Natatawang sabi naman ni Lovi tungkol dito, “He is a friend of mine!

“Kaibigan ko lang siya who is visiting here in the Philippines.

“Since naging close kami, iniikot ko siya dito sa Pilipinas.”

St. trippin' part 2.?? Miss you @adgalan !! #LoviChrissy

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN