Melason no more?: Jason Francisco writes open letter about split with Melai Cantiveros

IMAGE @mrandmrsfrancisco on Instagram

Hiwalay na nga ba talaga ang mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros? Ito ang tanong ng maraming Melason fans kasunod ng posts sa Instagram ng diumano'y open letter ni Jason.


Naghiwalay na nang tuluyan ang mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Kahapon, July 26, anim na posts sa Instagram ng open letter ni Jason ang in-upload sa Instagram account ng anak nilang si Amelia Lucille na @babymelafrancisco.

Masasabing official account ito ng kanilang anak dahil naka-tag ito sa isang post ng mag-asawa sa official IG account naman nilang @mrandmrsfrancisco.


Sa nasabing open letter, ibinahagi ni Jason ang dahilan ng hiwalayan nila ni Melai.

Ito ay dahil sa pagseselos niya sa ka-love team ng asawa sa katatapos lang na panghapong teleserye ng ABS-CBN na We Will Survive, si Carlo Aquino.

Walang caption ang mga post maliban sa ‘To melason fans.’

JEALOUSY? Sa unang bahagi ng post, tila ipinahiwatig ni Jason ang kanyang nararamdamang selos sa bagong proyekto noon ni Melai, ang We Will Survive.

Masaya raw siya noong una dahil pareho silang magkakaroon ng trabaho ng asawa dahil kabahagi naman siya ng nagtapos na ring My Super D.

Pero kinabahan daw siya noong sinabi ng asawa na magkakaroon siya ng ka-love team sa show.

Ayon naman daw kay Melai, sa pilot week lang ito, kaya nakampante naman daw si Jason.

To melason fans

A photo posted by Amelia Lucille C Francisco (@babymelafrancisco) on

‘MAY ITINATAGO ANG ASAWA KO?’ Sa kasunod na post, may kaba na raw na naramdaman si Jason sa napanood niyang eksena sa show.

Halos dalawang buwan na raw ang itinatakbo ng istorya bago niya napanood ito, kung saan nabuntis ng karakter ni Carlo si Melai.

Dito na raw nagkaroon ng pagtatalo kina Jason at Melai, at humantong sa panlalamig nila sa isa’t isa.

To melason fans

A photo posted by Amelia Lucille C Francisco (@babymelafrancisco) on

‘AYOKONG MAY IBANG HUMAHAWAK SA ASAWA KO.’ Sa isa pang bahagi ng open letter, sinabi ni Jason na umabot sa dalawang buwan na sa kabilang kuwarto siya natutulog.

Nakiusap daw sila sa production ng We Will Survive na ibahin na ang istorya upang hindi na sila mag-away pa, ngunit itinuloy pa rin daw ng pamunuan ng show ang pagtatambal kina Melai at Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating din daw sa puntong parang pinagtatawanan na sila sa set ng kani-kanilang show.

Pakiwari ni Jason, hindi sila pinakinggan ng management dahil maliliit lang silang artista.

To melason fans

A photo posted by Amelia Lucille C Francisco (@babymelafrancisco) on

BLAMING THE PRODUCTION FOR THE BREAKUP? Sa ika-apat na bahagi ng open letter, sinabi ni Jason na tuluyan na nga silang naghiwalay ni Melai.

Sinisi rin niya ang production dahil hindi raw pinakinggan ang kanilang naging hiling.

Nasira raw ang kanilang pamilya at mga pangarap dahil sa pagtuloy ng production sa nais nitong mangyari sa karakter ni Melai sa teleserye.

To melason fans

A photo posted by Amelia Lucille C Francisco (@babymelafrancisco) on

‘KAMI ANG NAAPEKTUHAN.’ Sa huli, ipinaalala ni Jason na magkakapamilya pa naman daw sila, pero hindi ito namayani sa nais nilang mag-asawa na baguhin ang takbo ng istorya ng We Will Survive.

To melason fans

A photo posted by Amelia Lucille C Francisco (@babymelafrancisco) on

To melason fans

A photo posted by Amelia Lucille C Francisco (@babymelafrancisco) on

Marami naman ang nagkomento sa naturang posts na parang ang babaw raw ni Jason sa usapin ng pagkakaroon ni Melai ng ka-love team, gayong pareho naman silang artista at ito ay acting lamang.

Nauna nang napabalitang may problema sa samahan ng dalawa nitong Mayo ngunit nagkaayos din.

Read: Melason admits marital problem; denies separation

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag nina Jason at Melai, ng ABS-CBN, at ng Star Magic tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN