Alden Richards reveals 'safe zone' with Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on his next big project with Maine Mendoza: "May mga plano yung creative team and the management, pero I really can't say much kung anuman ang big projects namin. It's gonna be a surprise po. But hopefully before the year ends..."


Napaamin ang Pambansang Bae na si Alden Richards tungkol sa lugar kung saan niya palaging dinadala ang kaparehang si Maine Mendoza para magkausap sila nang sarilinan.

Sa thanksgiving presscon ni Alden para sa entertainment press, na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, July 26, inusisa ng PEP contributor na si Gorgy Rula ang Kapuso actor-TV host tungkol sa bagong sighting nila ni Maine.

May kumalat kasing larawan sina Alden at Maine na tila kuha sa loob ng isang hotel.

Paliwanag ni Alden tungkol dito, lumabas sila ni Maine pagkatapos ng first anniversary celebration ng kanilang love team na AlDub sa Eat Bulaga! noong July 16.

At inamin ng 24-year-old Kapuso star na may isang hotel na palagi nilang pinupuntahan.

Ito ay ang Spiral sa loob ng Sofitel Hotel, sa may Roxas Boulevard, Pasay City.

Ayon kay Alden, ito ang itinuturing nilang “safe zone.”

“Dun ko po siya laging dinadala,” sabi pa niya.

MAINE’S POST. Kaugnay pa rin ng selebrasyon ng first anniversary ng AlDub, matatandaang nag-post si Maine sa Instagram ng mensahe ng pasasalamat kay Alden.

Read: Maine Mendoza to Alden Richards: 'You already have this special place in my heart.'

Ayon kay Alden, ang naturang Instagram message ay ipinost ni Maine pagkatapos nilang mag-usap sa Sofitel Hotel noong araw na iyon.

Kuwento niya, “Parang nangyari po 'yan after po naming mag-usap, kasi we went out po after [Eat Bulaga!]...

“Then, nagkaroon po kami ng recap, ng mga nangyari sa buhay namin, na kumbaga ang laki na po talaga ng ipinagbago, ng changes.

“So, si Maine po kasi talaga, social media baby.

“So, basically, lahat po ng nararamdaman niya, most of the time po, sa social media ko po nakikita.

“So, parang nakapag-usap po kami before that post.

“And then, nagulat na lang po ako na after that conversation, bigla pong may post siyang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasalamat naman ni Alden ang mensaheng iyon para sa kanya ni Maine.

“It was very touching and I’m very thankful for that,” nakangiti niyang sabi.

NEXT PROJECTS. Samantala, nasa ikatlong linggo na ng pagpapalabas sa mga sinehan ang first solo movie nina Alden at Maine na Imagine You And Me.

Sa thanksgiving presscon niya kahapon, inusisa si Alden kung ano ang mga susunod nilang proyekto ni Maine.

Sagot niya, “May mga plano yung creative team and the management, pero I really can’t say much kung anuman ang big projects namin.

“It’s gonna be a surprise po. But hopefully before the year ends...

“Pero so far po, going strong pa rin po [ang love team].”

May posibilidad bang gumawa sila ng teleserye?

Sagot agad ni Alden, “Meron po. In the works na po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN